1. Ano ang dalawang kakayahang taglay ng bawat tao na magagamit niya sa pagpapasiya at malayang pagsasakilos ng kanyang pinili at ginusto nang may pananagutan dito? a. kagalingang mangatwiran at matalas na kaisipan b. kahusayan sa pagsusuri at matalinong pag-iisip c. kalinawan ng isip at masayang kalooban d. kakayahang mag-isip at malayang kilos -loob 2. Ano ang inaasahan sa atin bilang tao ng lipunan na nilikha upang makipagkapuwa at makibahagi sa buhay-sa- mundo (lifeworld) na ang layunin ay makipag-ugnayan sa isat-isa at makipagtulungan? a. makiangkop b. makialam c. makipagkasundo d. makisimpatya 3. Alin sa mga pansariling salik na dapat pagbatayan sa pagpili ng kurso na may kinalaman sa iyong kahusayan sa bagay? a. hilig b. kasanayan(skills) c. pagpapahalaga d. talento 4. Sa teoryang Multiple Intellegen ces ni Dr. Howard Gardner (1983), ang lahat ng tao ay may angking likas na kakayahan, ibat-iba ang talino o talento. Bilang nasa baitang 9, ano ang mahalagang gampanin na dapat mong gawin sa mga talino o talentong ipinagkaloob sa iyo na may kaugnayan sa pagpili mo ng nais na kurso sa pagtuntong mo ng Senior High School? a. Pahalagan at paunlarin c. Paunlarin para sa sarili at sa kaunlarang panlahat. b. Pagtuunan ng pansin at palaguin d. Tuklasin at gamitin sa pagpapayaman mula sa tinapos na kurso. 5. Ano ang dapat ba maging aksiyon mo sa panahong ikaw ay naguguluhan pa sa mga pagpipiliang mga kurso para sa Senior High School? a. Makinig sa gusto ng mga kaibigan b. Huminto muna at sa susunod na taon na lamang mag aral c. Magbasa at maglaan ng panahon na makapag isip at magplano d. Humingi ng tulong sa malapit sayo at umasa sa kanilang desisyon 6. Ito ang mga bagay kung saan tayo ay mahusay o mahilig. Ito ay madalas na inuugnay sa salitang abilidad, kakayahan (competency) o kahusayan (proficiency). a. Talento b. Kasanayan c. Hilig d. Mithiin 7. Nasasalamin ito sa mga paboritong gawain na nagpapasaya sa iyo dahil gusto mo at buo ang iyong puso a. Hilig b. Pagpapahalaga c. kasanayan d Talento 8. Alam ni Cita na hindi niya kakayanin ang kursong Medisina gayundin ang kakayahan ng kanyang mga magulang na suportahan siya kaya ang kanyang ginawa ay naghanap siya ng scholarship sa kanilang munisipyo at unti-unti ay nagsulat siya ng tiyak na plano at mga paalala upang maging gabay niya. Anoa ng pansariling salik ang isinagawa ni cita? a. Katayuang pinasiyal b. Hilig c. Mithiin d. Pagpapahalaga