1. Nakilala siya sa kanyang husay sa pamumuno at tinawag na Nay Isa.
A. Gabriella Silang C. Patrocinio Gamboa
B. Gregoria de Jesus D. Teresa Magbanua
2. Sino ang binansagang “Ina ng Watawat ng Pilipinas”?
A. Agueda Esteban C. Melchora Aquino
B. Marcela Agoncillo D. Teresa Magbanua
3. Bakit nagkaroon ng pag-aalsang agraryo?
A. pagpapatay ng mga katutubong Pilipino
B. pagnanakaw ng mga ani ng mga prayle
C. pangangamkam ng mga lupa ng mga prayle
D. pagsusunog ng mga ari-arian ng mga Espanyol
o Maraming dahilan na nagbunsod ng rebolusyon sa pagitan
ng mga Pilipino at ng mga Espanyol, ilan sa mga ito ay ang
sapilitang paggawa, tributo o buwis, relihiyon,
pangangamkam ng mga lupa at ari-arian at pagmamalabis
ng mga Espanyol.
o Maraming Pilipino mula sa iba’t ibang sektor at rehiyon ang
nagbuwis ng kanilang buhay para sa kanilang ipinaglalaban.
o Maraming mga kababaihan ang tumulong at sumama sa
pakikidigma. Ilan sa kanila ay sina Melchora Aquino,
Gabriela Silang, Teresa Magbanua, Patrocinio Gamboa at
maraming pang iba.
IKA-APAT NA ARAW
IKALIMANG ARAW
7
4. Kung hindi tumutol at nagbuwis ng buhay ang mga bayaning Pilipino laban sa mapang-
abusong Espanyol, ano sa palagay mo ang magiging kalagayan ng ating bansa sa
kasalukuyan?
A. Magiging maunlad ang kabuhayan ng bansa sa kabila ng pang-aabuso ng dayuhan.
B. Mananatiling payak ang pamumuhay ng mga Pilipino sa ilalim ng pamumuno ng
mga dayuhan.
C. Magkakaroon ng kasiyahan ang mga Pilipino sa ilalim ng pamamahala ng mga
mananakop.
D. Hindi matatamo ng ating bansa ang ganap na kalayaan sa pananakop ng
kolonyalistang bansa.
5. Ang mga sumusunod na sitwasyon ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa bayan MALIBAN
sa _________.
A. Ang Mondragon Group of Companies ay hindi nagbabayad ng buwis taon-taon.
B. Sumusunod sa mga health protocols tuwing lalabas ng bahay.
C. Itapon ang basura sa tamang lalagyan.
D. Sumunod sa mga batas trapiko.
6. Ano ang implikasyon ng pagkakaroon ng mga pag-aalsa mula sa iba’t ibang rehiyon at
sektor ng lipunan noon?
A. Nagkasundo ang mga katutubo at mga prayle.
B. Maayos ang pamamalakad ng pamahalaang Espanyol sa ating bansa.
C. Nagkakaintindihan ang mga katutubo at ang mga sundalong Espanyol.
D. Palihim na nabuo ang mga pag-aaklas dulot ng pananakit at pagmamalabis
ng kolonyalismong Espanyol.
7. Paano mo maipapakita ang iyong pagsuporta sa pamahalaan sa kinakaharap nating
pandemya?
A. Makinig sa mga balita sa radyo at telebisyon.
B. Lumabas ng bahay at pumunta sa iba’t ibang lugar.
C. Sumunod sa mga patakarang ipinapatupad ng pamahalaan.
D. Sumali sa mga grupo ng mga nagra-rally laban sa pamahalaan.
8. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita nang may pagmamalasakit sa
kapwa?
A. Ang magkaibigang Raymond at Jenny ay nagdaos ng birthday party sa isang hotel.
B. Nagtatanim ng iba’t ibang gulay ang mag-anak na Santos habang naka- quarantine.
C. Nagtayo ng community pantry sina Cynthia at ang kanyang mga kasamahan.
D. Nagtitinda ng mga halaman si Rona sa mababang halaga.
9. Kung ang pang-aabuso ng mga Espanyol ay naganap sa kasalukuyang panahon, paano
mo maipapakita ang iyong pagtutol sa kanilang pagmamalabis bilang isang bata?
A. Kukumbinsihin ang kapwa ko bata na humawak ng sandata at makipagtunggali sa
kalaban.
B. Iparating sa pamamagitan ng social media ang paglaban sa kanilang pang-aabuso.
C. Wala akong magagawa sapagkat bata lamang ako at walang lakas ng loob.
D. Iiyak at isisigaw ang hinaing laban sa pagmamalabis ng Espanyol.
10. Bilang isang mag-aaral, paano mo mahihikayat ang mga kabataang tulad mo na
gampanan ang kanilang tungkulin bilang isang mamamayan ng bansa?
A. Makikinig ako sa payo ng mga nakatatanda sa akin.
B. Magsisilbi ako sa pampublikong tanggapan nang walang kapalit na kabayaran.
C. Iiwasan kong lumabas ng aking tahanan upang hindi masangkot sa kaguluhan.
D. Mangunguna ako sa pagtupad sa mga alituntunin at tungkulin bilang mamamayan