III. TAYAHIN
Panuto: Basahin ang bawat aytem at bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa kalagayan o katayuan ng isang
tao bilang miyembro ng isang pamayanan o estado?
a. Kasarinlan b. Karapatan c. Pagkamakabansa d. Pagkamamamayan
2. Alin ang hindi maiuugnay sa konsepto ng citizenship sa sinaunang Greece?
a. Ang citizenship ay limitado lamang sa mga kalalakihan.
b. Ang pagiging citizen ay sumasaklaw sa lahat, anuman ang lahi, kasarian, at
kultura.
C. Ang mga citizen ng sinaunang Greece ay inaasahang makilahok sa mga
gawaing pansibiko.
d. Sa pagiging citizen, mahalaga na hindi lamang sarili ang isipin kundi maging
ang kapakanan ng estado.
3. Alin sa mga sumusunod ang nakapaloob sa Seksyon 5, Artikulo IV na probisyon
ng Saligang Batas ng Pilipinas kaugnay ng pagkamamamayan?
a. Ang pagkamamamayang Pilipino ay maaaring mawala o muling matamo sa
paraang itinatadhana ng batas.
b. Mananatiling angkin ang pagkamamamayan ng mamamayan ng Pilipinas na
mag-asawa ng mga dayuhan.
c. Ang dalawahang katapatan ng mamamayan ay salungat sa kapakanang
pambansa at dapat lapatan ng kaukulang batas.
d. Ang katutubong inianak na mamamayan ay yaong mamamayan ng Pilipinas
mula pa sa pagsilang na wala nang kinakailangang gawin upang matamo ito.
4. Alin ang hindi kabilang sa mga probisyon ng Konstitusyon ng Pilipinas hinggil sa
pagkilala sa isang inidbidwal bilang mamamayan ng bansa.
a. Yaong ang mga ama o mga ina ay mamamayan ng Pilipinas
b. Yaong mga naging mamamayan sa pamamagitan ng proseso ng
naturalisasyon
c. Yaong mga isinilang sa panahon ng paglikha sa pamahalaan ng Pilipinas ng
1899
d. Yaong mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pagpapatibay ng
Konstitusyon ng 1987
5. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng pagiging aktibong mamamayan ng
Pilipinas maliban sa isa. Ano ito?
a. Pagsasagawa ng matalinong pagboto sa panahon ng eleksiyon
b. Pagsasawalang bahala sa nangyaring kalamidad na lubhang nakaapekto sa
mga mamamayan sa ibang panig ng bansa
C. Pakikiisa sa mga proyekto ng pamahalaan na naglalayong itaguyod ang
kaligtasan ng publiko mula sa panganib na hatid ng pandemya
d. Pagbabahagi ng mungkahi sa lokal na pamahalaan hinggil sa mga hakbang
na maaring makatulong sa komunidad