Gawain 1
Panuto: Basahin at unawain ang pahayag ng mga tauhan sa iskrip na tin
Tukuyin ang mga salita o pariralang ginamit sa pag-uugnay ng pangungusap sa bawat
bilang. BILUGAN ang mga salita o pariralang ginamit sap ag-uugnay.
1. Don Juan:
o, Birheng kalinis-linisan, ako ngayon ay iyong kaawaan upang
akin nawang matagalan ang hirap ng paglalakbay.
2. Don Juan: Tulungan mo nawa ako na mahanap ang lunas sa karamdaman ng
aking mahal na ama at mahanap din ang aking dalawang minamahal na kapatid
na matagal nang nawalay sa amin.
3. Ermitanyo:
Ako ay gutom na gutom na sapagkat ilang araw nang ako'y hindi
kumakain.
4. Don Juan: Ito po, inyong tanggapin nang sa ganoon ay maibsan nang kaunti ang
inyong gutom.
5. Ermitanyo: Salamat! Maraming salamat, ginoo! Pagpalain ka nawa ng langit dahil
sa taglay mong kabutihan.
6. Don Juan: Wala pong anoman. Sige po, ipagpatuloy po ninyo ang pagkain sapagkat
ako'y aalis na.