Panuto: Tukuyin ang mga sumusunod na inilalarawan ng bawat pangungusap.
__ 1. Ang doktrina ng ideolohiyang ito ay nakabatay sa patakarang pang-ekonomiya na kung saan ang pamamalakad ng pamahalaan ay nasa kamay ng isang pangkat ng tao.
__ 2. Sistema kung saan kinikilala ang kakayahan ng isang indibidwal na makapag-ambag sa lipunan sa iba't-ibang paraan, kapasidad at antas.
__ 3. Uri ng ideolohiya kung saan karaniwang pinamumunuan ng isang diktador o grupo ng taong makapangyarihan.
__ 4. Isang ideolohiya kung saan ang kapangyarihang mamamahala ay nasa kamay ng mga tao
__ 5. Tumutukoy ito sa isang sistemang pangkabuhayan kung saan ang produksyon, distribusyon at kalakalan ay kontrolado ng mga pribadong mangangalakal.
__ 6. Ito ay ang ideolohiyang nakabatay sa paniniwala na napapalalim ang kapakanan ng mamamayan sa tunguhin at interes ng estado.
__ 7. Pangunahing pinapahalagan ang tradisyon ng nakaraang henerasyon kaysa sa mga makabagong sistema na inaakala nito na walang malinaw na direksyon at hindi inaasahang makatutugon sa mga kasalukuyang suliranin.
__ 8. Isa itong uri ng pamahalaan kung saan ang mamumunong tao ay may lubos na kapangyarihan.
__ 9. Ito ay isang sistemang panlipunan na may hangaring bumuo ng lipunang may pagkapantay-pantay ang karapatan ng bawat tao.
__ 10. Ito ay nagsusulong ng kagalingan at karapatan ng mga kababaihan na matamasa ang karapatang natatamasa ng kalalakihan.
Mga pagpilian :
===========================
• AWTORTARYANISMO
• LIBERALISMO
• KAPITALISMO
• KOMUNISMO
• TOTALITARYANISMO
• DEMOKRASYA
• SOSYALISMO
• KONSERBATISMO
• FEMINISMO
• PASISMO
• IDEOLIHIYA
===========================