Basahing mabuti ang mga sumusunod na pangungusap at pagsunud-sunurin ang mga pangyayari gamit ang bilang 1-5, 1- unang nangyari 5- huling pangyayari:
a. Nakatali si Florante sa gubat habang inaalala ang kasawian ng kaniyang bayan, ang sinapit ng kaniyang ama na si Duke Briseo at ang kaniyang pinakamamahal na si Laura. Maya maya ay may dumating na 2 leon na nagtangkang kitilin ang kaniyang buhay. Mabuti na lamang at dumating si Aladin at pinatay ang dalawang leon. Inalagaan siya hanggang siya ay lumakas.
b. Isinalaysay ni Flerida ang pagpapatirapa niya sa harapan ng Sultan Ali-Adab upang mailigtas si Aladin, ang kunyaring pagtanggap niya sa kasal at ang pagtakas niya sa palasyo upang hanapin si Aladin hanggang siya ay mapadpad sa gubat.
c. Isinalaysay ni Florante ang kaniyang kabataan, pati na ang kaniyang pag-aaral sa Atenas, mga pakikipaglaban sa mga kaaway hanggang sa kung paano siya napadpadpad sa gubat.
d. Isinalaysay ni Laura kung paanong pinapatay ni Adolfo ang hari at duke, ang alok na kasal sa kaniya ni Adolfo at ang pagsulat niya kay Florante na si Menandro ang nakatanggap. Sinabi din niya ang pagtakas ni Adolfo sa hukbo ni Menandro at ang tangkang panghahalay sa kaniya ni Adolfo kaya siya ay napadpad sa gubat.
e. Isinalaysay ni Aladin ang takdang pang-aagaw ng kaniyang ama sa kasintahang si Flerida at ang kaparusuhan na siya ay di na muli babaliksa Persya hanggang siya ay napadpad sa gubat