PANUTO: Basahin ang maikling kuwento at sagutin ang sumusunod na tanong.
“Si Inday at ang Bago Niyang Cellphone”
Malapit nang magtapos sa elementarya si Inday kaya sorpresang binilhan siya ng kanyang ina ng cellphone bilang gantimpala sa matataas na marka. Isang araw habang may kausap si Inday sa cellphone narinig ni Aling Peling na makipagkita siya sa bagong kakilala sa text na si Rico. Kinausap at pinagsabihan ni Aling Peling si Inday na hindi maging kampante sa pakikipagkita sa taong hindi kilala at sa cellphone lang nagkakilala.Galit na sinagot ni Inday ang kanyang ina at padabog na pumasok sa kanyang silid.Nagulat at nagtimpi na lang si Aling Peling. Isang araw habang naglalako ng paninda si Aling Peling sa plasa ay nakita niya si Inday na umiiyak dahil biglang nawala si Rico at dinala nito ang kanyang bag kasama ang cellphone na pinag-ipunan ni Aling Peling. Lubos ang pagsisisi ni Inday dahil hindi siya nakinig sa kanyang ina.
PANUTO: Pag-aralan ang sumusunod na mga pangyayari sa nabasang kuwento. Bilugan ang titik ng pangyayari sa kuwento na naranasan mo na.
24. a. Binilihan ka ng cellphone ng iyong mga magulang.
b. Palagi kang nakatutok sa cellphone.
c. Nagsisinungaling sa magulang.
d. Nagsisisi sa maling nagawa.
25. a. Hindi nagpapaalam kapag umaalis ng bahay.
b. Madaling naniniwala sa sa hindi kakilala.
c. Pinapahalagahan ang pinaghirapan ng magulang.
d. Palaging katext ang kaibigan.
26-30. Sumulat ng sariling karanasan batay sa binasang kuwento.