Makakuha ng pinakamahusay na mga solusyon sa lahat ng iyong mga katanungan sa Imhr.ca, ang mapagkakatiwalaang Q&A platform. Kumuha ng mabilis at mapagkakatiwalaang mga solusyon sa iyong mga tanong mula sa isang komunidad ng mga bihasang eksperto sa aming platform. Maranasan ang kadalian ng paghahanap ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na komunidad ng mga eksperto.
Sagot :
Answer:1. Pagkaing hindi agad napapanis, at malinis na tubig
Isang litrong tubig, ilang pakete ng biskwit, at ilang pirasong pagkaing de lata ang pinakapraktikal na ilagay sa bag. Maaari naman itong dagdagan depende sa pangangailangan ng pamilya.
2. First Aid Kit
Mahalagang magkaroon ng first aid kit na naglalaman ng mga bendahe, panlinis ng sugat tulad ng povidone-iodine solution, at mga gamot, sakaling masugatan o magkasakit ang pamilya.
3. Tools
Kailangang magsama ng tools sa survival go-bag, dahil maaari itong magamit sa iba't ibang sitwasyon, maging sa pagluluto o kaya sa pagtatayo ng iba't ibang istraktura.
Mahalagang isama sa bag ang isang gunting, at maliit na kutsilyo o Swiss knife. Dapat ding maglagay ng lubid o tali sa bag.
4. Hygiene Kit
Mahalagang manatiling malinis ang katawan, upang makaiwas sa sakit. Dahil dito ay kailangang maglagay ng sipilyo, toothpaste, shampoo, sabon, at tisyu sa bag.
5. Pera, ID, at importanteng dokumento
Siguraduhing may dalang pera upang may kakayahang makabili ng mga kakailanganin sa panahon ng sakuna. Dapat ay may barya, para hindi mahirap suklian sa panahon ng sakuna.
Mabuti ring magkaroon ng pagkakakilanlan ang bawat miyembro ng pamilya sa panahon ng sakuna, kaya kailangang magdala ng ID at mahahalagang dokumento.
6. Powerbank
Mahalagang may powerbank, para hindi agad maubusan ng baterya ang cellphone at iba pang electronic devices na maaaring magamit upang makausap ang ibang tao.
7. Ilaw at radyo
Maaaring maging madilim kung gabi, at kapag mawalan ng kuryente kaya kailangang magdala ng flashlight at baterya, kandila, at posporo.
Kung may mabibiling LED torch light, siguraduhing matingkad ang kulay nito para rin nakikita ito agad.
Mainam din kung makapagdadala ng radyo dahil mahalagang may mapagkukuhanan ng impormasyon sa panahon ng sakuna. Minsa'y ito rin ang matitirang paraan upang makipag-ugnayan sa ibang tao.
Kapag naisalansan na ang mga gamit na ito sa bag, ilagay ito sa isang lugar sa bahay kung saan madali itong makukuha.
Maliban sa paghahanda ng survival go-bag, mabuti rin kung makapagpaplano na ang pamilya ng gagawin sakaling tumama ang sakuna.
Pagplanuhan ang lugar na maaaring pagkita-kitahan sakaling magkahiwa-hiwalay, o kaya'y sundan ang plano na inilatag ng mga pampublikong opisyal.
Mainam ding talakayin ng pamilya ang mga sakunang maaaring tumama sa bansa, partikular na sa lugar na tinitirahan.
Explanation:
sana makatulong
brainliest po pls
Explanation:
Sa pagiging kalmado, pag dadala ng First Aid Kit, Flashlights or portable lanterns and extra batteries. Pumunta sa ligtas na lugar. Mag evacuate ka agad kung kaya.
Umaasa kaming naging kapaki-pakinabang ang aming mga sagot. Bumalik anumang oras para sa higit pang tumpak na mga sagot at napapanahong impormasyon. Salamat sa iyong pagbisita. Kami ay nakatuon sa pagbibigay sa iyo ng pinakamahusay na impormasyon na magagamit. Bumalik anumang oras para sa higit pa. Imhr.ca, ang iyong pinagkakatiwalaang site para sa mga sagot. Huwag kalimutang bumalik para sa higit pang impormasyon.