Panuto: Basahin at suriin mabuti ang mga pangungusap. Isulat ang salitang TAMA kung wasto ang ipinapahayag ng
pangungusap at MALI kung di-wasto. Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel.
_______ 1. Layunin ng rebelyong Taiping na mapabagsak ang Dinastiyang Qing upang mahinto na ang pamumuno
ng mga dayuhan sa kanilang bansa.
_______ 2. Bukod sa pagtuligsa sa korupsyon sa pamahalaan, pangunahing layunin ng Rebelyong Boxer ay ang
patalsikin ang lahat ng mga dayuhan sa bansa, kabilang dito ang mga Kanluranin.
_______ 3. Ang mga patakarang pang-ekonomiya na ipinatupad ng mga Dutch tulad ng culture system at pagkontrol
sa mga sentro ng kalakalan ay nagkaroon ng negatibong epekto sa kabuhayan ng mga Indones.
_______ 4. Ang paghahangad na lumaya ang nagtulak sa mga Burmese na ipahayag ang kanilang damdaming
nasyonalismo.
_______ 5. Ang mga Vietnamese ay nagpakita ng damdaming nasyonalismo sa pamamagitan ng pakikidigma sa mga
Kanluranin.