1. Ang paggawa ng isang gawain ay magiging madali at kasiya-siya kung may plano ng proyekto. Ano ang masasabi mo rito?
a. mali ang pangungusap
b. medyo tama ang pangungusap
c. sang-ayon ako sa pangungusap
d. hindi ako sang-ayon sa pangungusap
2. Ano ang dapat ihanda bago magsimula ng isang proyekto upang matiyak ng maging maayos ang pagsasagawa ng gawain?
a. mga pamamaraan
b. plano ng proyekto
c. talaan ng materyales
d. badyet sa paggawa ng proyekto
3. Saan dapat isulat ang intensiyon o dahilan kung bakit gagawin ng isang proyekto?
a. rubrik sa paggawa
b. plano ng proyekto
c. talaan ng kagamitan
d. hakbang sa paggawa
4. Alin sa mga sumusunud na bahagi ng plano ng proyekto ang naglalaman ng bilang, yunit, at deskripsiyon ng mga bagay na gagamitin?
a. pamagat ng plano
b. paraan ng paggawa
c. talaan ng materyales
d. listahan ng kasangkapan
5. Saan matatagpuaan ng krokis ng disensyo ng proyektong gagawin?
a. pangalan ng proyekto
b. talaan ng materyales
c. paraan ng paggawa
d. guhit o ilustrasyon
6. Aling bahagi ng plano ang naglalaman ng mga pamamaraan sa pagbuo ng proyekto?
a. krokis ng disenyo
b. hakbang sa paggawa
c. pagpapahalaga sa proyekto
d. pamamaraan sa pagplano
7. Ang paggawa ng plano ay mahalaga upang matapos agad ang gawain. Anong tulong ang nagagawa ng plano ng proyekto sa iyo?
a. gabay sa paggawa
b. listahan ng gawain
c. pantulong sa proyekto
d. alituntunin sa paggawa
8. Ano ang kahalagahan ng pagguhit ng disensyo ng proyekto gagawin?
a. magsisilbi itong gabay sa pagbuo ng proyekto
b. magbibigay ito ng inspirasyin sa paggawa ng proyekto
c. magiging maganda at kaakit-akit ang plano ng proyekto
d. magiging batayan ito sa pagsulat ng mga hakbang sa paggawa
9. Saan dapat sumangguni upang magkaroon ng wastong gabay sa pagbuo ng napiling proyekto?
a. plano ng proyekto
b. aklat sa elektrisida
c. manwal mula sa internet
d. pamamaraan sa paggawa
10. Bakit mahalaga ang pagbuo ng plano ng proyekto?
a. magkaroon ng mataas na marka sa paaralan
b. maipapakita ang kahusayan sa pagguhit at pagkukulay
c. magiging madali, maayus, at maganda ang gagawing proyekto
d.makakatulong upang mapabilis ang pagbili ng mga materyales