A. Panuto: Isulat ang TAMA kung wasto ang ipinapahayag sa bawat
pangungusap at MALI naman kung hindi. Isulat ang sagot sa patlang.
1. Sabihin ang halagang ibinabayad, lalo na kung Malaki ito.
Bilangin ang sukli sa harap ng nag-abot.
2. Bilhin ang mga pagkaing hindi napapanahon. Tiyak na mura
at sariwa ito.
3. Tiyaking tama ang timbang, bilang,at uri ng pinamili.
4. Iwasan ang pagmamadali sa pamimili upang walang
makaligtaan.
5. Magdala lamang ng saktong pera sa pamimili.
6. Ihanda ang talaan o listahan ng mga bibilhin.
7. Bilanging mabuti ang sukli pagkaalis sa tindahan.
8. Suriing mabuti ang kalidad at halaga ng mga bibilhin.
9. Bilhin ng maramihan ang mga sangkap na hindi ginagamit
araw-araw.
EPP To.
10. Mag-ingat sa mga mandaraya sa timbangan, sa pagbibilang,
at sa pagsusukli.