Ang Imhr.ca ay narito upang tulungan kang makahanap ng mga sagot sa lahat ng iyong mga katanungan mula sa mga eksperto. Tuklasin ang komprehensibong mga solusyon sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na network ng mga eksperto sa aming madaling gamitin na platform. Maranasan ang kaginhawaan ng paghahanap ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa mga bihasang propesyonal sa aming platform.

bakit pinarusahan ng mga pinuno ng France si Napoleon Bonaparte​

Sagot :

Answer:

1. ANG PAGKATALO NI NAPOLEON BONAPARTE Justin Carl C. Corsega Mohader T. Amrosi Gng. Donna Lara

2. NAPOLEON BONAPARTE Napoleon I (Agosto 15 1769- Mayo 5 1821) ay ang unang emperador ng Unang Imperyong Pranses ng Pransya, unang hari ng Italya, tagapamagitan ng Kumpederasyong Suwiso at unang tagapagtanggol ng Kumpederasyon sa Rhine (kalaunan ay nagkaisa bilang Alemanya noong 1871).

3. NAPOLEON BONAPARTE Ang kanyang mga ginawa ay nagdulot ng napakalaking pagbabago sa pulitika ng Europa sa ikalabingsiyam na siglo. Si Napoleon I ay isinilang sa Corsica at nagsanay bilang hukbo ng sandatahang lakas ng Pransya sa ilalim ng Unang Republikang Pranses.

4. NAPOLEON BONAPARTE Isa sa mga matagumpay na pinuno ng hukbo na tumalo sa Una at Ikalawang mga Koalisyon laban sa pamahalaan ng Pransya. Noong 1799, pinamunuan niya ang isang kudeta at iniluklok ang sarili bilang unang Konsul ng Pransya.

5. NAPOLEON BONAPARTE Pagkalipas ng limang taon, bilang Emperador ng mga Pranses. Sa pagpasok ng mga unang dekada ng ikalabingsiyam na siglo, matagumpay niyang nilabanan ang mga makapangyarihang bansa sa Europa kasabay ng pagtatatag ng ImperyongPranses.

6. NAPOLEON BONAPARTE  Ang Pananalakay ng mga Pranses sa Rusya noong 1812 ang naging hudyat ng pagbabago ng kanyangkapalaran. Noong 1813, tinalo ng Ikaanim na Koalisyon ang kanyang hukbo sa labanan sa Leipzig; noong1814, sinalakay ng koalisyon ang Pransya kung saan ay napuwersa si Napoleon I na iwanan ang trono at magtungo nang palihim sa isla ng Elba.

7. NAPOLEON BONAPARTE Makalipas ang kalahating taon, tumakas siya sa Elba at muling umakyat sa kapangyarihan, ngunit siya ay tuluyang natalo sa pamosong labanan sa Waterloo, Belhika noong Hunyo 1815. Siya ay ipinatapon ng pumalit na haring Bourbon sa isla ng Saint Helena sa ilalim ng mga bantay na Briton.

8. PENINSULA WAR(1808)  Taong 1808 ay nagkaroon ng mga pag-aalsa laban sa pamamahala ng mga Pranses sa Spain at Portugal. Nagpadala ng tulong na mga sundalo ang Great Britain sa mga rebelde ngunit tinalo sila ng mga Pranses sa Spain kaya minabuti ng mga British na magkonsentreyt na lang sa Portugal. Ang bahagi na ito ng Napoleonic Wars ay naging kilala bilang Peninsular War sa dahilang ang Spain at Portugal ay nasa bahagi ng Europe na Iberian Peninsula.

9. ANG PAGSALAKAY SA RUSSIA (1812) Napagdesisyunan ni Napoleon na lusubin ang Russia sa dahilang kapag ito ay kaniyang masakop, madali na niyang mapapasok ang Britain. Noong 1812 ay nagpadala si Napoleon ng 600,000 mga sundalo na binubuo ng Polish, German, Italyano at mga Pranses upang lumaban sa Battle of Borodino.

10. ANG PAGSALAKAY SA RUSSIA (1812)  Marami sa mga sundalong ipinadala ni Napoleon ang namatay sa labanan kaya kinulang ang bilang ng mga sundalo na magpapatuloy sa paglaban. Nakaabot ang hukbo ni Napoleon hanggang sa Moscow ngunit laking gulat nila dahil wala silang naabutang tao dito nang sila’y dumating. Nang gabi ng Setyembre 14 ay nagkaroon ng malaking sunog sa Moscow. Ang mga gamit at tinitirhan ng mga sundalo ni Napoleon ay nadamay sa sunog kaya nawalan sila ng pananggalang sa malamig na klima.

11. SINO NGA KAYA? Sino kaya ang maaaring nagsimula ng sunog sa Moscow?

12. ANG PAGKATALO NG FRANCE  Napilitan si Napoleon na pabalikin ang kaniyang hukbo sa France dahil sa nakamamatay na lamig sa Russia. Karamihan sa natirang mga sundalo na kaniyang nakasama sa Battle of Borodino ay namatay naman sa kanilang paglalakbay pagbalik sa France. Sila ay namatay sa gutom, sa lamig ng klima o napatay ng mga Russians. Mga 20,000 sundalong Pranses na lamang ang nakabalik nang maluwalhati sa France.

13. ANG PAGKATALO NG FRANCE  Habang abala sa pakikipaglaban si Napoleon sa Russia ay sinamantala naman ng mga British ang Spain at nanalo sila ng maraming beses sa kanilang pakikipaglaban.  Noong 1813 ay nasakop ng mga British ang Timog France at ang pinagsanib na puwersa ng mga Ruso at Austrian ang sumakop naman sa Hilagang France. Napulbos ang mga hukbo ng Pranses sa Digmaan sa Leipzig at unti-unting bumagsak ang imperyong itinayo ni Napoleon.

14. ANG PAGKATALO NG FRANCE

15. LABIS NA NALUNGKOT SI NAPOLEON BONAPARTE SA SINAPIT NG FRANCE