Balikan
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at tukuyin kung ito ay TAMA O MALI
Isulat sa sagutang papel.
1. Mahalagang suriin muna ang mga pansariling salik bago pumili ng track o
kursong kukunin
2. Ang talento, kasanayan, kakayahan, pagpapahalaga, at mithiin ay mga
halimbawa ng mga pansariling salik na dapat suriin ng bawat isa.
3. Ang talento ay tumutukoy sa kapasidad o abilidad ng isang tao, at kaya
niyang gawin ang isang bagay dahil eksperto at sapat ang kanyang
kaalaman dito.
4. Ang salitang "valore" ay nagmula sa salitang Latin na nangangahulugang
pagiging malakas o matatag, pagiging makabuluhan o pagkakaroon ng
saysay sa sarili at sa ibang bagay.
5. Ang espesyal na kakayahan o kagalingan sa isang bagay ay tinatawag na
kasanayan
6. Ang teoryang "Multiple Intelligences" ay nagmula kay Sto. Tomas de
Aquinas
7. Ang hilig ay isa sa mga pansariling salik na tumutukoy sa mga bagay na
gustong gusto mong gawin, mga bagay na kapag ginagawa mo ay may
kasiyahan kang nararamdaman sa iyong sarili.
8. Ang pagkamit ng mithiin sa buhay ay ang pagkakaroon ng matibay na
Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay.
9. Kung ang isang tao ay mahilig makipagkwentuhan sa ibang tao siya ay may
taglay na talinong Intrapersonal.
10. Ang kasanayan sa pakikiharap sa mga tao ay isang uri ng talento