Tuklasin ang mga sagot sa iyong mga katanungan sa Imhr.ca, ang pinaka-mapagkakatiwalaang Q&A platform para sa lahat ng iyong pangangailangan. Sumali sa aming platform upang kumonekta sa mga eksperto na handang magbigay ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong sa iba't ibang larangan. Nagbibigay ang aming platform ng seamless na karanasan para sa paghahanap ng mapagkakatiwalaang sagot mula sa isang network ng mga bihasang propesyonal.
Sagot :
Answer:
Ang COVID-19 ay isang sakit sa paghinga na sanhi ng isang bagong virus. Kabilang sa mga
sintomas ang lagnat, pag-ubo, namamagang lalamunan at pangangapos ng hininga. Ang virus
ay maaaring kumalat mula sa isang tao patungo sa ibang tao, ngunit ang tamang kalinisan ay
makakatulong upang maiwasan ang impeksiyon. Alamin kung sino ang nasa panganib at kung
ano ang dapat mong gawin kung sa tingin mo ay may COVID-19 ka.
Ano ang COVID-19?
Ang mga coronavirus ay isang malaking pamilya ng mga virus na nagiging sanhi ng mga
impeksyon sa paghinga. Ang mga ito ay maaaring karaniwang sipon hanggang sa mas
malubhang sakit.
Ang COVID-19 ay isang sakit na sanhi ng isang bagong uri ng coronavirus. Ito ay unang iniulat
noong Disyembre 2019 sa Wuhan City sa China.
Mga sintomas ng COVID-19
Ang mga sintomas ng COVID-19 ay maaaring isang bahagyang sakit hanggang sa malubhang
pulmonya.
Ang ilang mga tao ay mabilis at madaling gagaling, at ang iba ay maaaring mabilis masyadong
magkakasakit.
Ang mga sintomas ng COVID-19 ay kinabibilangan ng:
• lagnat
• ubo
• namamagang lalamunan
• pangangapos ng hininga
Kung ikaw ay nababahala, maaaring mayroon ka ng COVID-19:
• i-access ang symptom checker sa website ng healthdirect
• humingi ng medikal na payo sa pamamagitan ng pagkontak sa National Coronavirus Helpline
sa 1800 020 080. Ang linya ng impormasyon na ito ay bukas ng 24 oras sa isang araw, pitong
araw sa isang linggo. Kung ikaw ay hindi nagsasalita ng Ingles, maaari mong gamitin ang
Translating and Interpreting Service sa pamamagitan ng pagtawag sa 131 450
• tumawag muna para magpa-book ng appointment sa iyong doktor o ospital
• alamin ang tungkol sa testing (pagpapasuri) sa pamamagitan ng pagkontak sa kagawaran ng
kalusugan sa inyong lokal na estado o teritoryo
Paano ito kumakalat?
Ang COVID-19 na kumakalat mula sa isang tao papunta sa ibang tao sa
pamamagitan ng:
• malapit na pakikisalamuha sa isang nahawahang tao (kasama ang 48 oras
bago siya magkaroon ng mga sintomas)
• pagdampi ng mga droplet mula sa pag-ubo o pagbahin ng isang nahawahang
tao
• paghawak sa mga bagay o ibabaw (tulad ng mga doorknob o mga mesa) na
may mga droplet mula sa isang nahawahang tao, at pagkatapos ay hihipuin
ang iyong bibig o mukha
Dahil ang COVID-19 ay isang bagong sakit, walang imyunidad dito sa ating
komunidad. Ibig sabihin nito ay maaari itong kumalat nang malawak at mabilis.
Para saan ang COVIDSafe app?
Ang COVIDSafe app ay bahagi ng gawain ng Pamahalaang Australya upang
pabagalin ang pagkalat ng COVID-19. Sa pagkakaroon ng kumpiyansya na
mahahanap at makokontrol natin ang mga pagsulpot (outbreak) nang mabilis ay
nangangahulugan na maaari nang paluwagan ng mga pamahalaan ang mga
paghihigpit habang pinapanatili pa ring ligtas ang mga Australyano. Ang COVIDSafe
app ang tanging contact tracing app na inaprobahan ng Pamahalaang Australya.
Ang bagong COVIDSafe app ay ganap na boluntaryo. Ang pag-download ng app ay
isang bagay na magagawa mo para protektahan ang iyong sarili, ang iyong pamilya
at mga kaibigan at iligtas ang buhay ng iba pang mga Australyano. Kung mas
maraming mga Australyano ang kokonekta sa COVIDSafe app, mas mabilis na
mahahanap ang virus ng mga opisyal ng kalusugan sa estado at teritoryo at
makokontak ang mga tao na maaaring nalantad sa COVID-19.
Pinabibilis ng COVIDSafe app ang kasalukuyang manwal na proseso ng
paghahanap sa mga tao na nakisalamuha sa isang taong may COVID-19.
Nangangahulugan ito na ikaw ay mas mabilis na makokontak kung ikaw ay nasa
panganib. Binabawasan nito ang mga tyansa na ikaw ay maglipat ng virus sa iyong
pamilya, mga kaibigan at iba pang mga tao sa komunidad.
Maaari lamang ma-access ng mga opisyal ng kalusugan sa estado at teritoryo ang
impormasyon ng app kung ang isang tao ay nag-positibo sa test at sumang-ayon na
ang impormasyon sa kanilang telepono ay ma-upload. Maaari lamang gamitin ng
mga opisyal ng kalusugan ang impormasyon ng app upang maalertuhan ang mga
taong maaaring kailangang ikuwarentena o ipa-test.
Sino ang pinakananganganib mula sa COVID-19?
Sa Australya, ang mga tao na pinakananganganib na mahawahan ng virus ay:
• mga naglalakbay na kadarating lamang mula sa ibang bansa
• mga tao na malapit na nakipag-ugnay sa isang tao na nasuri na may COVID-
19
• mga tao na nasa kulungan at mga pasilidad ng detensyon
• mga tao sa group residential
Ang mga tao na, o mas malamang na, magkaroon ng mas mataas na panganib ng
malubhang sakit kung sila ay mahawahan ng virus ay:
• mga taong 70 taong gulang at mas matanda pa
• mga taong 65 taong gulang at mas matanda pa na may malubhang
karamdaman
• Mga taong Aborihinal at Torres Strait Islander na 50 taong gulang at mas
matanda pa na may malubhang karamdaman
• mga taong may mahinang immune system
Sa ngayon ay mababa ang bilang ng nakumpirmang kaso ng COVID-19 sa mga
bata, kumpara sa mas malawak na populasyon.
Ang Australian Health Protection Principal Committee (AHPPC) ay nagpapayo na
walang dagdag na mga panganib sa mga bata kung papapasukin sila sa paaralan.
Umaasa kaming nahanap mo ang hinahanap mo. Huwag mag-atubiling bumalik sa amin para sa higit pang mga sagot at napapanahong impormasyon. Pinahahalagahan namin ang iyong oras. Mangyaring bumalik anumang oras para sa pinakabagong impormasyon at mga sagot sa iyong mga tanong. Imhr.ca ay nandito para sa iyong mga katanungan. Huwag kalimutang bumalik para sa mga bagong sagot.