Maligayang pagdating sa Imhr.ca, kung saan ang iyong mga tanong ay masasagot ng mga eksperto at may karanasang miyembro. Kumonekta sa mga propesyonal na handang magbigay ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong sa aming komprehensibong Q&A platform. Sumali sa aming Q&A platform upang kumonekta sa mga eksperto na dedikado sa pagbibigay ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong sa iba't ibang larangan.

1.Nagsilbing tahanan ng unang pangulo ng Republika ng Pilipinas na si Emilio Aguinaldo. Makasaysayan ang lugar na ito dahil dito unang iwinagayway ang watawat ng Pilipinas taong 1898 tanda ng ating kasarinlan.


2.Dito binaril ang Pambansang Bayani
ng Pilipinas na si Dr. Jose Rizal matapos siyang mag-aklas sa pamamagitan ng propaganda laban sa mga Espanyol.


3. Para pigilan ang lumalakas na paghihimagsik ng mga Pilipino laban sa mga Espanyol bunsod ng propaganda ni Rizal, ipinatapon nila ang bayani sa lungsod ng kaya hindi kataka-takang isa ito sa mga makasaysayang lugar sa Mindanao.


4.Itinuturing din na makasaysayang lugar sa Pilipinas ito dahil dito naganap ang makasayasayang pagdating ni Gen. Douglas MacArthur at iba pang tropang Amerikano para palayain ang mga Pilipino sa kamay ng mga Hapon.


5.Isa pa sa mga makasaysayang pook sa Luzon. Dito lihim na nagsama-sama ang mga katipunero sa pamumuno ni Gen. Emillio Aguinaldo upang makalaya ang Pilipinas sa pamumuno ng mga Espanyol.


6.Saksi ang lugar na ito sa kagitingan ng mga sundalong Pilipino at Amerikano na nagsanib-puwersa laban sa hukbo ng mga Hapon noong World War II. Ilang oras lang ang layo nito sa Maynila. Bagamat maraming lugar na sa Pilipinas ang nasakop ng mga Hapon, iniwasan nila ang lugar na ito dahil sa takot nila sa naglalakihang canyon sa lugar na inilagay ng mga Amerikano.


7.Dito naganap ang kauna-unahang dokumentadong misang Katoliko sa Pilipinas noon March 31, 1521. Pinagunahan ito ni Father Pedro de Valderrama.


8.Itinuturing bilang isa sa mga makasaysayang lugar sa Luzon. Nagsilbi itong kulungan noong panahon ng mga Kastila. Bago barilin si Dr. Jose Rizal sa Bagumbayan, ikinulong muna siya sa lugar ito, na ngayo'y isa nang sikat na atraksiyon sa lugar dahil sa kasaysayan nito.


9. Dito naganap ang pag-aak las ng mga Pilipino taong 1986 laban sa diktador na si Ferdinand Marcos para matapos na ang idineklara niyang Batas Militar (Martial Law).


10. Itinuturing na isa sa mga makasaysayang lugar sa Pilipinas. Dito kasi naganap ang makasaysayang Battle of Mactan kung saan natalo ni Lapu-Lapu si Ferdinand Magellan noong 1521.​

Sagot :

Answer:

1.sa emilio aguinaldo shrine, kawit,cavite

2.luneta

3.dapitan

4.leyte landing memorial park

5.biak na bato

6.Corregidor Island

7.limasawa,southern leyte

8.fort santiago

9.edsa shrine

10.cebu