Mahalaga ang mensahe ng kwento tungkol sa butil ng
kape ay sapagkat ipinapakita nito kung paano mo haharapin ang mga pagsubok sa buhay. Ipinapaliwanag dito
ang iba't ibang paraan ng pagtugon sa mga suliranin tulad ng carrots na pinakuluan
at lumambot, ang itlog na tumigas at ang butil ng kape na nagkaroon ng ibang
bango at saysay. Maihahalintulad ito sa isang tao na sinubok ngunit sa simula
lang malakas at kalaunan ay naging mahina at sumuko. Ang itlog naman ay mula sa
mistulang malinis at malambot na balat nito ay biglang tumigas pagkatapos
mapakuluan parang yung ibang tao na sa una sa mabubuti ngunit pagkatapos
subukin ay nagiging matigas ang mga puso para sa pagpapatawad. Samantalang, ang
kape na pinakuluan na nagkaroon ng ibang lasa at amoy at parang ang taong
iniharap mo sa maraming problema ngunit sa halip na maging mahina o kaya'y
matigas ay nagbago at nagkaroon ito ng karagdagang gamit o sangkap at mas
natututo ito sa pagsubok na naranasan, mas nagiging mabuti kompara sa una.