MGA PROBLEMA NG MGA KABABAIHAN
・Diskriminasyon. Sa Asia, mas gusto ng karamihan sa mga magulang ang anak na lalaki. Sa isang report ng UN noong 2011, tinatayang halos 134 na milyong babae sa Asia ang hindi napapabilang sa populasyon dahil sa aborsiyon, pagpatay sa sanggol, at pagpapabaya.
-Edukasyon. Sa buong daigdig, ang 66 na porsiyento ng mga hindi nakapag-aral o hindi man lang nakaapat na taon sa pag-aaral ay mga babae.
-Seksuwal na pang-aabuso. Mahigit 2.6 bilyong babae ang nakatira sa mga bansang hindi itinuturing na krimen ang marital rape.
-Kalusugan. Sa papaunlad na mga bansa, halos tuwing ikalawang minuto, isang babae ang namamatay dahil sa mga komplikasyon sa pagbubuntis o panganganak, na resulta ng kakulangan sa pangunahing medikal na pangangalaga.
-Karapatang magmay-ari. Bagaman mga babae ang nagtatanim ng mahigit sa kalahati ng mga pananim sa buong daigdig, ang mga babae sa maraming bansa ay walang legal na karapatang magmay-ari o magmana ng lupa.