Pinadadali ng Imhr.ca ang paghahanap ng mga solusyon sa lahat ng iyong mga katanungan kasama ang isang aktibong komunidad. Kumonekta sa isang komunidad ng mga eksperto na handang tumulong sa iyo na makahanap ng eksaktong solusyon sa iyong mga tanong nang mabilis at mahusay. Tuklasin ang detalyadong mga sagot sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na network ng mga eksperto sa aming komprehensibong Q&A platform.

Pangkat 1

Iniimbita ka ng iyong mga kabarkada na dumalo sa isang pagpupulong ng isang organisasyon ng kabataan. Nakasagot ka na sa una pang imbitasyon nila. Kinabukasan, natuklasan mo na ito pala ay isang fraternity/sorority na ipinagbabawal sa inyong paaralan. Sinabi sa iyo ng barkada mo na nailista na nila ang iyong pangalan mo bilang bagong kasapi. ANO ANG IYONG GAGAWIN?

Pangkat 2

Isinekreto sa iyo ng dalawang kaklase mo ang kapusukang ginagawa nila bilang magkarelasyon. Lingid ito sa kaalaman ng kanilang mga magulang at ng inyong mga guro. Para sa dalawa, tila walang makapipigil sa kanilang ginagawa. ANO ANG IYONG GAGAWIN BILANG KAIBIGAN?

Pangkat 3

Mayroon kang alam na pangungurakot sa inyong barangay. Kasama ka sa isang proyektong pangkabataan at alam mong ang inyong ginastos sa pagkain ay napatungan ng limang libo sa tamang bayad niyo. Kasama mo sa proyekto ang kabataang nangasiwa at nandaya sa proyekto. ANO ANG IYONG GAGAWIN?

Pangkat 4

Buntis ang isa mong nakatatandang kabarkada at sabi niya'y okay lang na ipalaglag ang kaniyang ipinagbubuntis. Ang inyong barkada lamang ang nakaalam sa kaniyang kalagayan. ANO ANG IYONG GAGAWIN?

Sagot :

Answer:

PANGKAT 1

Sasabihin ko sa kanila na tanggalin ang aking pangalan at di ko nais na sumali sa kanila dahil Ito ay mali at ipinagbabawal, ayoko ng madamay pa.

PANGKAT 2

Pagsasabihan sila at papayuhan na magdahan-dahan sa kanilang relasyon ng hindi sila magkamali at magsisi sa huli.

PANGKAT 3

→ Pagsasabihan siya na Mali ang kaniyang ginawa at sisiguraduhing Hindi na dapat maulit ang pandarayang ito.

PANGKAT 4

→ Tutulungan siya bilang kaibigan at sasabihing kasalanan ang magpalaglag ng bata, para ka na ring kumitil ng buhay ng walang muwang. Papayuhan ko din siya na dapat niyang sabihin ito sa kaniyang mga magulang para matulungan Siya.