11. Ito ay isang malawak na bulubundukin sa gitnang hilaga ng Luzon sa Pilipinas na napabalitang may
deposito ng ginto.
A Sulu
C. Cordillera
B. Mindanao
D. Leyte
12. Dahl sa balitang maraming ginto sa isang bulubundukin sa gawing hilaga ng Luzon, naatasan
siyang galugarin ang lugar na ito upang hanapin ang deposito ng ginto.
A Juan de Plasencia
C. Miguel Lopez de Legazpi
B. Juan de Salcedo
D. Ruy Lopez de Villalobos
13. Ang sumusunod ay mga dahilan kung bakit ang tangkang pagsakop ng mga Espanyol sa lupain ng
Mindanao ay bigo. Alin sa mga ito ang HINDI dahilan?
A malaki ang suporta sa kanila ng gobemador-heneral
B. organisado ang mga Sultanato sa Mindanao
C. matindi ang kanilang pananalig sa Islam
D. binasa sila sa pakikidigma
14. Bakit nahirapan ang mga Espanyol na masakop ang Cordillera?
A kulang ang armas ng mga Espanyol
B. kakaunti ang bilang ng mga amadong Espanyol
C. mahina sa pagpaplano ang naatasang mamuno sa digmaan
D. hindi kabisado ng mga Espanyol ang pasikot-sikot sa kabundukan
15. Ang mga sumusunod na pahayag ay mga aral o gintong kaisipan na nais ipaalala sa atin ng mga
katutubong Pilipinong nakipaglaban sa mga mananakop na Espanyol
, maliban sa isa, alin ito?
A. Ang bawat Pilipino ay kailangang
pag-isipan at timbangin kung saan siya makakakuha ng
mas maraming pabor at ayuda.
B. Katulad ni Sultan Kudarat, kailangan ng ating bayan ang mga pinunong may "political will
at may dangal.
C. May kalayaan ang bawat tao na pumili ng kanyang paninindigan at paniniwala.
D. Kailangang manindigan sa anumang piniling desisyon.