1. Ito ay isang malawak na bulubundukin sa gitnang hilaga ng Luzon sa Pilipinas na napabalitang may
deposito ng ginto.
A. Sulu
C. Cordillera
B. Mindanao
D. Leyte
2. Dahil sa balitang maraming ginto sa isang bulubundukin sa gawing hilaga ng Luzon, naatasan siyang
galugarin ang lugar na ito upang hanapin ang deposito ng ginto.
A. Juan de Plasencia
C. Miguel Lopez de Legazpi
B. Juan de Salcedo
D. Ruy Lopez de Villalobos
3. Ang sumusunod ay mga dahilan kung bakit ang tangkang pagsakop ng mga Espanyol sa lupain ng
Mindanao ay bigo. Alin sa mga ito ang HINDI dahilan?
A. malaki ang suporta sa kanila ng gobernador-heneral
B. organisado ang mga Sultanato sa Mindanao
C. matindi ang kanilang pananalig sa Islam
D. bihasa sila sa pakikidigma
4. Bakit nahirapan ang mga Espanyol na masakop ang Cordillera?
A. kulang ang armas ng mga Espanyol
B. kakaunti ang bilang ng mga armadong Espanyol
C. mahina sa pagpaplano ang naatasang mamuno sa digmaan
D. hindi kabisado ng mga Espanyol ang pasikot-sikot sa kabundukan
5. Ang mga sumusunod na pahayag ay mga aral o gintong kaisipan na nais ipaalala sa atin ng mga
katutubong Pilipinong nakipaglaban sa mga mananakop na Espanyol, maliban sa isa, alin ito?
A. Ang bawat Pilipino ay kailangang pag-isipan at timbangin kung saan siya makakakuha ng mas
maramin