Pinadadali ng Imhr.ca ang paghahanap ng mga solusyon sa lahat ng iyong mga katanungan kasama ang isang aktibong komunidad. Kumonekta sa isang komunidad ng mga propesyonal na handang tumulong sa iyo na makahanap ng eksaktong solusyon sa iyong mga tanong nang mabilis at mahusay. Tuklasin ang malalim na mga sagot sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na network ng mga propesyonal sa aming madaling gamitin na Q&A platform.

ano ang mga katangian ng silangan asya​

Sagot :

Answer:

Silangang Asya

Ang silangang Asya ay isa sa mga rehiyon na matatagpuan sa Asya. Ito ay may kabuuang sukat na 11,839,074 kilometro kwadrado, isa sa pinakamalaki sa kabuuan ng Asya. Ang bilang ng mga taong naninirahan dito sa kasalukuyan ay umaabot sa mahigit 1,641,908,531, ikalawa sa pinaka marami sa buong mundo.

Ang silangang Asya ay binubuo ng mga sumusunod:

  • China
  • Hong Kong
  • Macau
  • Japan
  • North Korea
  • South Korea
  • Mongolia
  • Taiwan

Katangiang Pisikal ng Silangang Asya

Ang silangang Asya ay napalibubutan ng napakaraming bulubundukin sa kanluran, Russia sa silangan, at timog silangang Asya sa timog. Ang ilan sa mga kilalang anyong lupa na makikita rito ay ang sumusunod:

    1. Himalayas o Himalayan Mountain Ranges

    2. Karakoram Ranges

    3. Pamirs

    4. Tian Shan Mountains

    5. Altay Mountains

Ang Himalayan Mountains ang isa sa pinakamataas na bulubundukin sa buong mundo. Dito makikita ang Mt. Everest, ang may pinakamataas na tuktok sa buong mundo. Dahil sa dami ng bundok at bulubundukin, napakalamig ng klima sa mga bahaging ito ng silangang Asya.

Ang mga kabundukang ito ay bunga ng madalas na paggalaw ng lupa, kung kaya't ang silangang Asya ay madalas ding nakararanas ng mga lindol. Ang Indian tectonic plate ay patuloy na tinutulak ang Eurasian plate, kung kaya't tumataas lalo ang Himalayan Mountain Ranges.

Sa silangang Asya makikita ang Yellow River o Huang He River sa China. Mayroon ding disyerto na tinatawag na Gobi desert na matatagpuan sa Mongolia. Ang Takla Makan Desert sa bansang China ay mayroong tuyong klima tuwing tag araw at napahaba at lamig na klima tuwing tag ulan. Dahil sa ganitong uri ng klima, isa ito sa mga lugar na mahirap tirahan.

Dito rin makikita ang Tibetan Plateau, isa sa pinakamataas at malaking talampas sa buong mundo.

Ang Silangang Asya ay isa sa mga rehiyon ng Asya na maaaring tumukoy sa paraang heograpikal o kultural. Sa heograpiya, tinutukoy ito ang rehiyon na binubuo ng Republikang Popular ng Tsina (kabilang ang Hong Kong at Macau), Hilagang Korea, Timog Korea, Hapon, Mongolia at Taiwan. Sumasaklaw ito sa lawak na 12,000,000 kilometro kuwadrado (4,600,000 milya kuwadrado), o humigit-kumulang 28% ng populasyon ng kontinenteng Asya.

Explanation:

hope it helps

re-search ko po yan

sorry po kung mali

correct me if I'm wrong

(paki report nalang po kung mali)

#CarryOnLearning

#BrainlyEveryday

#ThinkFast​

View image Maryeckhan10