Answer:
Kailangan nating malaman ang kahulogan at kabuluhan ng mga konseptong wika para Ang pinagmulan ng salitang wika ay galing sa Latin na “Lengua”. Ang kahulugan ng salitang ito ay dila. Samantala, ang wika naman ay ang instrumento ng komunikasyon na ating ginagamit sa pakikipagtalastasan.
Ano Ang Konseptong Pangwika? Halimbawa At Kahulugan Nito
Ito ay binubuo ng mga simbolo at iba’t-ibang mga salita. Ito rin ay isang paraan upang maipahayag natin ang ating mga damdamin, emosyon, opinyon, at iba pang mga bagay-bagay.
Ayon kay Henry Gleason, ang wika ay masistemang balangkas sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura.
Para kay George Lakoff, ang wika naman ay politika. Nagtatakda ng kapangyarihan depende sa kung paano sila mauunawan ng ibang tao.
Ayon naman kay Jose Villa Panganiban, ang wika ay paraan ng pagpapahayag ng damdamin.
Samantala sabi ni Nenita Papa, ang wika ay ating ginagamit para malayang maipahayag ang ating iniisip at nadarama.
Ang wika natin ay malaking bahagi ng ating kultura. Kaya naman dapat natin itong bigyang halaga.