Answer:
Paggamit ng Wika
Magagamit ang wika sa pakikipagtalastasan, pakikipag-ugnayan at pakikipag-usap sa ibang taong nakakasalamuha araw-araw.
Magagamit ang wika sa pagpapahayag ng isag tao sa kanyang saloobin, kaisipan, hangarin, at damdamin.
Magagamit ang wika sa pagpapayaman ng kaalaman upang magkaunawaan at magkaisa ang isang grupo ng tao.
Magagamit ang wika sa paglilinang ng kakayahan at kasanayan sa wika.
Magagamit ang wika sa pagiging makabayan na magsisilbing sentro ng pagmamahal sa bansa.
Magagamit ang wika upang mas maunawaan ang mga kaganapan noong sinaunang panahon magpahanggang sa kasulukuyan sa pamamagitan ng mga panitikan.
Magagamit ang wika sa pagkakaroon ng isang matatag na pagkakakilanlan na magpapamalas sa buong mundo tungkol sa pagkakaiba ng Pilipino sa ibang lahi.