Answer:
Ang talumpati ay isang buod ng kaisipan na ipinapahayag ng isang tao sa pamamagitan ng pagsasalita sa entablado na may tagapakinig. Ito ay isang uri ng komunikasyong pampubliko na tumatalakay sa isang paksa na sinasalita sa harap ng mga tagapakinig. Masasabi itong sining sa paraang pasalita na may nakikinig. Ang talumpati ay naglalayong humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala. Nagiging epektibo ang isang talumpati kung ang mananalumpati ay may magandang personalidad, malinaw magsalita, may malawak na kaalaman sa tungkol sa paksang tinatalakay, tamang paggamit ng kumpas, at may nageensayo sa talumpati.
Uri ng Talumpati
Ang mga sumusunod ay mga uri ng talumpati:
Talumpating Walang Paghahanda
Talumpating Pabasa
Talumpating Pasaulo