Ang mga elemento na matatagpuan sa parabulang "Ang tusong katiwala" ay tauhan at banghay ng kwento. Ang tauhan ng parabulang ito ay ang katiwala at ang kanyang amo. Samantalang ang banghay ay ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa kuwento. Ang simula ng parabula ay noong ipinatawag ng amo ang kanyang katiwala at magreklamo sa di-umano magandang pamamalakad nito sa negosyo kung kaya't sesesantehin daw niya ito ngunit kailangan magbigay ng katiwala ng ulat tungkol sa mga nakaraang transaksiyon nito. Ang gitna ay noong nilapitan niya ang lahat ng nagkautang sa kanyang amo at pinapirma ng kasulatan kung nakasaad ang kanilang utang na mas maliit kaysa sa aktwal na utang nila upang kung sakali mang masesante siya ay mayroon man lamang tatanggap sa kaniya. Ang wakas ay natuwa ang amo sa ulat na ibinigay ng katiwala at hindi na siya sinesante.