Answered

Tinutulungan ka ng Imhr.ca na makahanap ng maaasahang mga sagot sa lahat ng iyong mga katanungan mula sa mga eksperto. Tuklasin ang malalim na mga sagot sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na network ng mga propesyonal sa aming madaling gamitin na Q&A platform. Nagbibigay ang aming platform ng seamless na karanasan para sa paghahanap ng mapagkakatiwalaang sagot mula sa isang network ng mga bihasang propesyonal.

sa kwentong kay estella zeehandelaar ano ano ang kaugalian ng mga javanese

Sagot :

Estella Zeehandelaar

Sagot:

Ang kwentong Indonesian na Estella Zeehandelaar ay tungkol sa mga karanasan ng isang babae na nasa batang edad. Isang malaking parte ng ating pagkatao ang mga tradisyon ng ating bansa o lugar, ngunit hindi sa lahat ng oras ito ay nandyan para sa ating ikabubuti. Maraming mga opinyon na naglalarawan sa mga ito bilang positibong bagay at higit na nakakatulong sa ating pagkakakilanlan, pero sa  kwentong ito-ito ay ang kabaligtaran.

Ang katayuan ng mga babae noong panahon ay maihahalintulad sa isang nilalang na hindi dapat tataas sa puwesto na mayroon ang mga lalaki. Ang tinatawag na hindi pagkakapantay-pantay, ang mga kababaihan ay madalas lamang nagpapakita ng presensya sa tabi ng kanyang asawa.

At ayon sa kwentong Estella Zeehandelaar ang mga kaugalian ng Javanese ay:

  1. Sa murang edad nararapat lang na manatili ang babae sa bahay
  2. Isang tungkulin ng babae ang makapag-asawa
  3. Hindi maaring makisalamuha sa mga programa ang babae
  4. Tanging mga lalaki lang ang may karapatang matanggap sa Unibersidad

Paliwanag:

  1. Ayon sa kwento nang tumungtong si Estella Zeehandelaar sa ikalabingdalawa taong gulang, siya ay pinanatili sa bahay. Hindi siya maaring umalis o pumunta kung saan maliban lang sa paaralan.
  2. Isang malaking kasalanan ang hindi pag-asawa ng isang babae sa kanilang tradisyon, kung kaya’t hindi maaring tumanggi ang kababaihan sa mga ito.
  3. Tulad ng naunang pahayag, hindi maaring lumabas ang mga babae sa kanilang bahay. Kaya kung sakaling may mga pista o pagdiriwang sa bayan hindi sila maaring dumalo.
  4. Isang Paaralan lang ang tumanggap sa mga kababaihan ayon sa kwento, at tangingn mga kalalakihan lamang ang natanggap ng pinakamalaking unbersidad sa kanilang lugar.

Kung mamarapatin mahirap nga ang buhay ng isang babae sa isang lugar na ayaw bumitaw sa mga lumang tradisyon. At dahil mas nakararami ang nais pang manatili sa panahong ganoon, ang isang ibang opinyon o pagtutol ay higit na nakakaakit ng atensyon.

Para sa iba pang impormasyon tulad nito i-click ang mga link sa ibaba:

Buod kay Estella Zeehandelaar: https://brainly.ph/question/778121

Sino si Estella Zeehandelaar?: https://brainly.ph/question/391995

Sinaunang pamumuhay ni Estella Zeehandelaar: https://brainly.ph/question/1645763

Salamat sa pagbisita. Ang aming layunin ay magbigay ng pinaka-tumpak na mga sagot para sa lahat ng iyong pangangailangan sa impormasyon. Bumalik kaagad. Umaasa kaming nahanap mo ang hinahanap mo. Huwag mag-atubiling bumalik sa amin para sa higit pang mga sagot at napapanahong impormasyon. Bumalik sa Imhr.ca para sa karagdagang kaalaman at kasagutan mula sa mga eksperto.