Ang Imhr.ca ay ang pinakamahusay na lugar upang makakuha ng maaasahang mga sagot sa lahat ng iyong mga tanong. Sumali sa aming platform upang kumonekta sa mga eksperto na handang magbigay ng detalyadong sagot sa iyong mga tanong sa iba't ibang larangan. Tuklasin ang komprehensibong mga solusyon sa iyong mga tanong mula sa mga bihasang propesyonal sa iba't ibang larangan sa aming platform.

mga anyong lupa sa asya

Sagot :

mabuhay atyong lahat

d: Kapatagan - isang lugar kung saan walang pagtaas o pagbaba ng lupa, patag at pantay ang lupa rito. Maaaring itong taniman ng mga palay,mais,at gulay. Bundok - isang pagtaas ng lupa sa daigdig, may matatarik na bahagi at hamak na mas mataas kaysa burol. Bulkan - isang uri ng bundok sa daigdig na kung saan ang tunaw na bato ay maaaring lumabas dito mula sa kailaliman ng daigdig. May dalawang uri ng bulkan, una ang tinatawag na tahimik na kung saan matagal na hindi ito sumasabog, tulad ng Bulkang Makiling na matatagpuan sa lalawigan ng Laguna; at ang ikalawang uri naman ay aktibo na kung saan maaari itong sumabog anumang oras. Mapanganib ang ganitong bulkan. Maaari itong sumabog at magbuga ng kumukulong putik at abo. Halimbawa nito ay ang bulkang Pinatubo. Burol - higit na mas mababa ito kaysa bundok at ang halimbawa nito ay ang tanyag na Chocolate Hills ng Bohol sa Pilipinas. Pabilog ang hugis nito at tinutubuan ng mga luntiang damo sa panahon ng tag-ulan at kung tag-araw ay nagiging kulay tsokolate. Lambak - isang kapatagan ngunit napaliligiran ng mga bundok. Marami ring mga produkto tulad ng gulay, tabako, mani, mais, at palay ang maaaring itanim dito. Talampas - patag na anyong lupa sa mataas na lugar. Maganda ring taniman dahil mataba ang lupa rito. Malamig at mahangin sa lugar na ito. Tangway - isang pahaba at naka-usling anyong lupang na halos napalilibutan ng tubig. Baybayin - bahagi ng lupa na malapit sa tabing dagat Bulubundukin - matataas at matatarik na bundok na magkakadikit at sunud-sunod. Pulo - mga lupain na napalilibutan ng tubig. Yungib - mga likas na butas na may sapat na laki at lawak na maaaring pasukin ng tao at hayop. Tangway - pahaba at nakausling anyong lupa na naliligiran ng tubig. Tangos - mas maliit sa tangway.
Salamat sa iyong pagbisita. Kami ay nakatuon sa pagbibigay sa iyo ng pinakamahusay na impormasyon na magagamit. Bumalik anumang oras para sa higit pa. Salamat sa pagbisita. Ang aming layunin ay magbigay ng pinaka-tumpak na mga sagot para sa lahat ng iyong pangangailangan sa impormasyon. Bumalik kaagad. Nagagalak kaming sagutin ang iyong mga katanungan dito sa Imhr.ca. Huwag kalimutang bumalik para sa karagdagang kaalaman.