Kaunlaran ng lipunan
Answer:
Mahalaga ang kaunlaran ng isang lipunan sapagkat ito ay nangangahulugan na epektibo ang pamamahala ng isang gobyerno. Ang maunlad na lipunan ay mailalarawan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng maayos at ligtas na kapaligiran. Ang mga mamamayan ay may trabaho, at nakapag aaral ang mga kabataan sa isang maunlad na lipunan. Sa madaling salita, ang kaunlaran ng isang lipunan ay sangkap upang magkaroon ng mas masayang buhay sa isang bansa.
Kapag maunlad din ang isang lipunan, madaling natutugunan ng pamahalaan ang mga pangangailangan ng mga nasasakupan nito. Maliit din ang agwat sa pagitan ng mga mayayaman at mahihirap at tapat ang mga taong naglilingkod sa ating bansa.
Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa kaunlaran ng lipunan, sumangguni sa mga sumusunod na links
- Hakbang sa pagkakaroon ng isang maunlad na lipunan https://brainly.ph/question/765210
- Bakit kailangan ang kaunlaran sa isang lipunan? https://brainly.ph/question/2143771
#LetsStudy