Maligayang pagdating sa Imhr.ca, kung saan maaari kang makakuha ng mga sagot mula sa mga eksperto nang mabilis at tumpak. Kumonekta sa isang komunidad ng mga propesyonal na handang tumulong sa iyo na makahanap ng eksaktong solusyon sa iyong mga tanong nang mabilis at mahusay. Nagbibigay ang aming platform ng seamless na karanasan para sa paghahanap ng mapagkakatiwalaang sagot mula sa isang network ng mga bihasang propesyonal.

Ano ang sinaunang pamumuhay ng mga pilipino?

Sagot :

Answer:

Bago dumating ang mga kolonisador o mananakop gaya ng mga Espanyol, Amerikano, at Hapones, ang Pilipinas ay mayroong Sultanato na uri ng pamumuhay. Ang bawat bayan o lungsod ay pinamumunuan ng isang datu o lakan. Ang relihiyon ng mga Pilipino ay pagano o mas kilala bilang animismo sapagkat ang bawat bagay sa kapaligiran ay kanilang sinasamba.

Ang ilan sa mga kilalang datu o lakan sa Pilipinas ay sina:

  • Rajah Sulayman
  • Lakan Dula
  • Magat Salamat

Sumangguni sa sumusununod na link para sa karagdagang kaalaman ukol sa:

Kasingkahulugan ng datu:

https://brainly.ph/question/129742

Paraan ng pamumuhay

Ang mga Pilipino noon ay pagtatanim at pagsasaka ang pangunahing ikinabubuhay. Dahil sa tropikal na klima ng bansa, napakaraming halaman at puno ang nabubuhay dito sa atin. Ang mga kababaihan ay naghahabi at ang mga kalalakihan ay nagsasanay sa aspeto ng digmaan. Ang mga Pilipino ay mga nomad o yaong mga taong walang permanenteng tirahan at palipat lipat lamang, depende sa pinagkukunan ng kabuhayan o hindi naman kaya ay sa lagay ng panahon.

Pagdating naman sa estado ng pamumuhay o social status, mayroong dalawang uri ng alipin na mayroon sa ating bansa:

  1. Aliping sagigilid
  2. Aliping namamahay

Pagdating ng mga mananakop

Ang Pilipinas ay sinakop ng tatlong mananakop, at ito ang mga sumusunod:

  1. Espanyol
  2. Amerikano
  3. Hapones

Espanyol

Noong dumating ang mga Espanyol, ang kanilang pangunahing layunin ay turuan ng Kristiyanismo ang mga Pilipino. Dahil dito, ang mga prayle o paring Espanyol ay nag aral ng katutubong wika. Matapos nito, kinuha nila ang tiwala ng mga datu at unti unting sinakop ang bansa sa pamamagitan ng pagkalat ng Kristiyanismo sa bansa. Nagbago rin ang paraan ng pamumuhay ng mga Pilipino dahil sila ay naging alipin sa sariling bansa. Pinaglingkuran nila ang mga kastila.  

Matapos ang halos tatlong daang taon ng pananakop o 300 years, nagsimulang magrebolusyon ang mga Pilipino, sa panguguna ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal, Apolinario Mabini, Marcelo H. Del Pilar, at iba pa. Ang kanilang layunin ay mapayapang rebolusyon. Sa kabilang banda, ang rebolusyong pinangunahan ni Andres Bonifacio ay isang madugong rebolusyon.

Ganap na lumaya ang Pilipinas sa kamay ng mga Espanyol noong 1908. Hanggang sa kasalukuyan, namamayagpag pa rin ang Kristiyanismo dito sa Pilipinas

Amerikano

Taong 1908 nang tayo ay makalaya sa kamay ng mga Espanyol. Gayunpaman, ang kalayaang ito ay panandalian lamang dahil sa pagdating ng mga Amerikano. Sila ay may layunin na hindi umano ay kaibiganin at turuan ang mga Pilipino. Sila ang nag tatag ng ilang mga kilalang unibersidad dito sa bansa. Edukasyon ang kanilang naging ambag sa atin.

Hapones

Panandalian lamang ang naging paglagi ng mga hapones sa ating bansa dahil sa ikalawang digamaang pandaigdig. Binomba ng bansang Estados Unidos ang bansang Japan kung kaya't napilitan ang mga hapones na sumuko. Dahil dito, hindi gaanong naging malaki ang kanilang impluwensiya dito sa bansa.

Sumangguni sa mga sumusununod na links para sa karagdagang kaalaman ukol sa:

Kung paano nakalaya ang Pilipinas sa kamay ng mga mananakop

https://brainly.ph/question/582436

Kung ano ang binago ng mga Espanyol sa mga Pilipino

https://brainly.ph/question/1205147