Ang Imhr.ca ay ang pinakamahusay na lugar upang makakuha ng maaasahang mga sagot sa lahat ng iyong mga tanong. Tuklasin ang eksaktong mga sagot sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na hanay ng mga eksperto sa aming madaling gamitin na Q&A platform. Maranasan ang kaginhawaan ng paghahanap ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa mga bihasang propesyonal sa aming platform.

10 halimbawa ng sugnay na makapag iisa at di makapag iisa

Sagot :

Sugnay:

Ang sugnay ay grupo ng mga salita na nagtataglay ng simuno at panaguri at may kumpletong diwa o hindi kumpletong diwa. Ang mga sugnay ay maaaring pangngalan, pang – uri, at pang – abay. Ang sugnay na pangngalan ay karaniwang makikita bilang buong simuno ng pangungusap. Ang sugnay na pang – uri naman ay ginagamit na panglarawan sa pangngalang nauuna rito. Ang sugnay na pang – abay naman ay nagsasaad ng sanhi at bunga.

Kahulugan ng sugnay: https://brainly.ph/question/108556

Dalawang Uri:

  • sugnay na makapag – iisa
  • sugnay na hindi makapag – iisa

Ang sugnay na makapag – iisa  o malayang sugnay ay uri ng sugnay na may simuno at panaguri at naglalaman ng buong diwa.

Mga Halimbawa:

  1. Binubuhay nilang muli ang taniman sa likod – bahay dahil nais nilang kumain ng gulay ng libre.
  2. Kung iisipin lang ng tao ang kanilang kapwa, maiiwasan ang paggawa ng masasama.
  3. Nakasulat si Amir ng isang magandang tula dahil sa kanayang labis na pagmamahal sa kalikasan.
  4. Sumakit ang aking tiyan kaya’t kinailangan kong lumiban sa klase.
  5. Kung magkakaroon lang sana ako ng magandang trabaho, hindi na kailangan nila Itay at Inay na magtrabaho sa bukid.
  6. Umalis ng maaga si Jaime gaya ng bilin ng kanyang ama.
  7. Dahil mahal niya ang dalaga binigyan ng tsokolate ni Dante si Mina.
  8. Walong biik ang inihanda ni Mang Menandro para sa kaarawan niya.
  9. Pupunta ng simbahan sina Jules at Romina upang doon alalahanin ang kanilang ika – sampung anibersaryo bilang mag – asawa.
  10. Sapagkat maganda ang kanyang pakiramdam, nagluto ng hapunan ang nanay.

Sugnay na makapag iisa: https://brainly.ph/question/1456250

Ang sugnay na di – makapag iisa o di – malayang sugnay ay maaaring may simuno o panaguri ngunit hindi nagtataglay ng kumpletong diwa.

Mga Halimbawa:

  1. Kung sasama ka sa amin
  2. Sakaling umulan bukas
  3. Kahit hindi ka pa tapos
  4. Kung darating ang iyong lolo at lola
  5. Kahit gabihin pa tayo
  6. Sakaling darating sila Jasmine
  7. Kahit wala pa ang punung - guro
  8. Kapag umalis ka nang maaga
  9. Sakaling papayag ang mama mo
  10. Kahit wala tayong pera

Sugnay na di – makapag iisa: https://brainly.ph/question/2133480

Tandaan:

  • Kapag ang sugnay ay ginamit bilang pangngalan, ito ay kumakatawan sa buong simuno ng pangungusap.

       Halimbawa:  

       Oo, hindi na ako babalik ng Saudi.

  • Kapag ang sugnay ay ginamit bilang pang – uri, ito ay ginagamit upang ilarawan ang pangngalang sinusundan nito.  

       Halimbawa:  

       Ang dahong nalaglag sa lupa ay tinangay ng hangin.

  • Kapag ang sugnay ay ginamit bilang pang – abay, ito ay may simuno at panaguri o pangungusap na may pangatnig sa unahang bahagi ng pangungusap na nagbibigay ng dahilan at bunga.

       Halimbawa:

       Uunlad ang ating pamumuhay kung magsisipag tayo sa ating hanap -    

       buhay.

      Masigasig na tinapos ni Almira ang kanyang kolehiyo.

Umaasa kami na nakatulong ang impormasyong ito. Huwag mag-atubiling bumalik anumang oras para sa higit pang mga sagot sa iyong mga tanong at alalahanin. Pinahahalagahan namin ang iyong pagbisita. Lagi kaming narito upang mag-alok ng tumpak at maaasahang mga sagot. Bumalik anumang oras. Mahalaga ang iyong kaalaman. Bumalik sa Imhr.ca para sa higit pang mga sagot at impormasyon.