Makakuha ng mga solusyon sa iyong mga katanungan sa Imhr.ca, ang mabilis at tumpak na Q&A platform. Tuklasin ang detalyadong mga sagot sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na network ng mga eksperto sa aming komprehensibong Q&A platform. Sumali sa aming Q&A platform upang kumonekta sa mga eksperto na handang magbigay ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong sa iba't ibang larangan.
Sagot :
Sanaysay:
Sagot:
C. Sanaysay
Paliwanag:
Ang sanaysay ay tumutukoy sa akdang pampanitikan na naglalahad ng pananaw at opinyon tungkol sa tiyak na paksa. Ang sanaysay ay isang uri ng sulatin na nagsasalaysay na minsan ay naglalayong magdulot ng pagbabago at libangin ang mga mambabasa. Ang pangunahing katangian ng sanaysay ay ang tuwirang pananalita ng may akda o sumulat nito ukol sa kanyang kuro kuro at damdamin.
Kahulugan ng sanaysay: https://brainly.ph/question/138575
Tatlong Mahahalagang Bahagi ng Sanaysay:
- panimula
- katawan o gitna
- wakas
Ang panimula ay ang bahagi ng sanaysay na naglalahad ng pangunahing kaisipan o opinyon ng may akda at nagbibigay diin sa kahalagahan ng sanaysay.
Ang katawan o gitna ang bahagi ng sanaysay na nagdaragdag kaalaman sa paksa na nagsisilbing patunay o suporta sa pinaka mensahe ng sanaysay.
Ang wakas ang bahagi ng sanaysay na naglalahad ng kabuuan nito.
Mga bahagi ng sanaysay: https://brainly.ph/question/167003
Mga Elemento ng Sanaysay:
- anyo at istruktura
- kaisipan
- damdamin
- himig
- larawan ng buhay
- tema
- wika at istilo
Ang anyo at istruktura ng sanaysay ay tumutukoy sa pagkakasunod sunod ng mga ideya o pangyayari upang higit na maunawaan ng mambabasa ang sanaysay.
Ang kaisipan ng sanaysay ay tumutukoy sa mga ideyang nabanggit na nagbibigay linaw at suporta sa tema.
Ang damdamin ng sanaysay ay tumutukoy sa paraan ng pagpapahayag na ginamit ng may – akda upang maipalabas ang damdamin na nais niyang maramdaman ng mga mambabasa.
Ang himig ng sanaysay ay tumutukoy sa pagpapahiwatig ng kalikasan o kulay ng damdamin na maaaring masaya, malungkot, may takot, nananabik, at iba pa.
Ang larawan ng buhay ng sanaysay ay tumutukoy sa makatotohanang pagsasalaysay at masining na paglalahad ng may akda.
Ang tema ng sanaysay ay tumutukoy sa paksa o mensahe nito.
Ang wika at istilo ng sanaysay ay tumutukoy sa mga salita o pahayag na ginamit ng may akda upang maipalabas ang katapatan nito.
Mga Halimbawa:
- Ang Alegorya ng Yungib ni: Plato
- Liwanag at Dilim ni: Emilio Jacinto
Mga halimbawa ng sanaysay: https://brainly.ph/question/135418
Bisitahin muli kami para sa mga pinakabagong at maaasahang mga sagot. Lagi kaming handang tulungan ka sa iyong mga pangangailangan sa impormasyon. Salamat sa pagpunta. Nagsusumikap kaming magbigay ng pinakamahusay na mga sagot para sa lahat ng iyong mga katanungan. Kita tayo muli sa susunod. Bisitahin ang Imhr.ca para sa mga bago at kapani-paniwalang sagot mula sa aming mga eksperto.