Ang Imhr.ca ang pinakamahusay na solusyon para sa mga naghahanap ng mabilis at tumpak na mga sagot sa kanilang mga katanungan. Kumonekta sa mga propesyonal na handang magbigay ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong sa aming komprehensibong Q&A platform. Kumonekta sa isang komunidad ng mga eksperto na handang magbigay ng eksaktong solusyon sa iyong mga tanong nang mabilis at eksakto.

Sumulat ng 4-5 pangungusap na buod ng isang napanood. Salungguhit ang paksa napanood
Please answer ill brainlest you and 32 points. Ang napapanood ko ay cinderella pwede na yan​

Sagot :

Answer:

Tila fairytale ang pagwawakas ng kuwentong Sapatos ni Cinderella sa pagtatagpo muli nina Lety at ang kaniyang Prince Charming. Nagsimula muna ang istorya sa isang eksena kung saan si Lety ay nakatitig sa mga naggagandahang larawan ng mga kalahok sa “Bb. Cinderella ng Pilipinas” nang may biglaang sumigaw “Narito pala ang tunay na ‘Cinderella ng Filipinas!’” na kumuha ng atensyon ng lahat ng naroon. Sa kaniyang pagkatalikod upang usisain kung sino ang nagsabi noon ay bumulaga sa kaniyang mukha ang hintuturo ng isang lalaki at saka napahiya pa lalo si Lety nang makita niyang sa kaniya nakatuon ang mga mata ng lahat. Siya’y nainis at galit na galit na naglakad paalis at sa kasawiang palad ay napigtas ang kaniyang sapatos na suot. Agad-agad na sumunod sa kaniya ang lalaking nagpahiya sa kaniya at siya’y binilhan ng bagong sapatos. Tinanong ng lalaki kung ano ang pangalan ng dalaga ngunit ito’y tumangging ibigay at saka sinabi na si Cinderella ay hindi nagbigay ng kung anong detalye tungkol sa kaniya at ang paraan lamang na magkatagpo silang dalawa ng kaniyang Prince Charming ay sa pamamagitan ng tsinelas nag into, kung kaya ay dapat ganito daw ang gawin ng lalaki kay Lety. Matapos ang ilang araw ay hindi nabigyang pagkakataon ang kanilang tadhana na magkasalubong hangga’t sa isang piging na pareho nilang pinuntahan. Dito muling nagtagpo ang dalawa at natapos ang kuwento sa kanilang pagsasayaw hanggang magmadaling-araw.