Panuto: Tukuyin ang salitang Pang-ugnay na ginamit sa pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang sagot.
1. Ayon sa balita, patuloy na kumakalat ang Covid 19 sa buong daigdig.
2. Sinabi ng babae na huwag patayin ang bata, kaya ibinigay ni Haring Solomon sa kanya ang sanggol.
3. Maganda ang bestidang suot mo subalit hindi bagay ang sapatos na iyan sa bestida.
4. Nagluluto ng adobong baboy si Ate Rowena habang nagsasaing si Nanay.
5. Si Maricar ay nag-aaral nang mabuti upang siya ang kauna-unahang makakatapos sa pamilya.
6. Wala na tayong ibang maitutulong sa kalagayan ng bansa ngayon kundi ang manatili sa tahanan at magdasal.
7. Palibhasa’y may kanya-kanyang ipinaglalabang pananaw ang bawat isa.
8. Ang katiwala ay hindi naging tapat sa kanyang amo sapagkat siya ay gahaman sa salapi.
9. Siya ay naging matagumpay sa buhay dahil sa kanyang pagsisikap.
10. Kumukulo na ang tiyan ko sa gutom ngunit hindi pa luto ang paborito kong ulam.