Maligayang pagdating sa Imhr.ca, kung saan maaari kang makakuha ng mga sagot mula sa mga eksperto. Kumuha ng mabilis at mapagkakatiwalaang solusyon sa iyong mga tanong mula sa isang komunidad ng mga bihasang eksperto. Kumonekta sa isang komunidad ng mga eksperto na handang magbigay ng eksaktong solusyon sa iyong mga tanong nang mabilis at eksakto.
Sagot :
Ang konsensya ay ang panloob na bahagi ng isang tao na may kakayahang makaunawa ng isang kaisipan o gawain kung tama o mali. Ang tao lamang ang may natatanging kakayahan na ito at wala sa hayop o halaman na kapuwa mga may buhay na nilalang din.
Gaya ng isang kompas, ang konsensya ay nagbibigay ng direksyon sa tao kung ang kaniyang tinatahak na landasin ay tama o kung magdudulot ng kapahamakan. Kung paanong ang kompas ay nakaturo lagi sa Hilaga, ang konsensya ay dapat ding nakahilig batay sa likas na batas moral.
Pero ang magnetikong kayarian ng direksyon sa kompas ay maaaring ma-ihilig sa maling direksyon na kapag sinunod ng mga piloto mo marinero, tiyak na magiging mali na ang kanilang direksyon. Kung kaya maselang sinusuri ang kompas kung ito ay nakahilig palagi sa Hilaga. Kailangan itong gamitin kasama ng isang maaasahang mapa. Ang mapa ay hindi nagbabago hindi tulad ng kompas. Nagsasabi ang mapa ng mga napatunayang direksyon o teritoryo.
Paano din dapat na suriin ang konsensya kung nakahilig sa mga batas moral na inaasahan sa tao? Kailangang gumamit ang tao ng maasahang mapa, ang Bibliya, upang masanay ang kaniyang konsensya na humatol ayon sa Hilaga, wika nga ay sa tamang moralidad.
Ang Bibliya ay kailanman hindi nagbabago ng kaniyang mga pamantayan ng kung ano ang tama at kung ano ang mali. Kapag laging nagkokonsulta ang iyong konsensya ayon sa sinasabi nito, tiyak na magiging matatag sa pagpapasiya ang iyong konsensya at hindi masisira ng ibang mapanirang magnet o maling mga pilosopiya ng tao.
Bilang konklusyon, ang likas na batas moral ay kailangang nagmumula sa Isa na nagdisenyo ng kayarian ng tao, ang Diyos at hindi kailanman magmumula sa tao. Hindi kaya ng tao na gumawa ng batas moral yamang ang tao ay nagbabago at hindi sakdal.
mark as brainiest plz :)
Nasa picture po sagot
#carryOnlearning
#Hope its help
#Lets study
Pa brainlest po plsss po
Salamat sa paggamit ng aming serbisyo. Layunin naming magbigay ng pinaka-tumpak na mga sagot para sa lahat ng iyong mga katanungan. Bisitahin muli kami para sa higit pang mga kaalaman. Umaasa kaming naging kapaki-pakinabang ang aming mga sagot. Bumalik anumang oras para sa higit pang tumpak na mga sagot at napapanahong impormasyon. Laging bisitahin ang Imhr.ca para sa mga bago at kapani-paniwalang sagot mula sa aming mga eksperto.