Maligayang pagdating sa Imhr.ca, ang pinakamahusay na platform ng tanong at sagot para sa mabilis at tumpak na mga sagot. Tuklasin ang detalyadong mga sagot sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na network ng mga eksperto sa aming komprehensibong Q&A platform. Tuklasin ang malalim na mga sagot sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na network ng mga propesyonal sa aming madaling gamitin na Q&A platform.

pasagot po thank you​

Pasagot Po Thank You class=

Sagot :

Answer:

Ayon sa mga dalubhasa sa pag-aaral ng balatlupa, noong unang panahon ang Pilipinas ay bahagi ng Asya. Walang dagat na namamagitan sa Asya at sa Pilipinas. Nguni't dahil sa pagguho ng lupa, lindol, pagputok ng bulkan at pagbaha ng yelo, ang bahagi ng lupang nag-uugnay ng Pilipinas sa Asya ay gumuho. Ngayon ang nakikita natin sa lugar niyan ay tubig.

May mga nagpapatotoo na ang Pilipinas ay bahagi nga ng Asya noong unang panahon. Kamakailan ay may natuklasang mga bungo ng hayop sa bundok ng Cordillera. Ang mga hayop na tulad nito ay doon lamang nakikita ngayon sa ibang bansa sa Asya at wala sa Pi1ipinas.

Alinsunod naman sa mga mananalaysay, ang Pilipinas daw noong kauna-unahang panahon ay bahaging labi ng malaking lupalop na lumubog sa dagat ng India na kung tawagi'y Lemuria. Ayon naman sa iba, ito raw marahil ay bahagi ng nawalang lupalop Pacifico na kung tawagi'y Hu.

Ayon naman sa ating matandang alamat, noong unang panahon ay walang lupa kundi langit lamang at tubig. May isa raw uwak na walang madapuan. Naisipan ng uwak na papaglabanin ang langit at dagat. Nagkaroon nga ng labanan. Malalaking alon ang isinaboy ng dagat sa langit. Ang langit nama'y naghulog ng malalaking bato sa dagat. Sa mga batong ito nagmula ang lupa. Isa sa mga pulo ng lupang naturan ay ang Pilipinas.

Explanation:

bahala kana kung papaiksiin mo.