Tuklasin ang mga sagot sa iyong mga katanungan nang madali sa Imhr.ca, ang mapagkakatiwalaang Q&A platform. Sumali sa aming Q&A platform upang makakuha ng eksaktong sagot mula sa mga eksperto sa iba't ibang larangan at mapalawak ang iyong kaalaman. Tuklasin ang detalyadong mga sagot sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na network ng mga eksperto sa aming komprehensibong Q&A platform.

ito rin ang tawag sa panahon ng bato

Sagot :

Answer:

Ang Panahon ng Bato o Stone Age [ Ingles ] ay isang malawak na kapanahunang prehestoriko (bago sumapit ang nasusulat na kasaysayan) kung kailan at saan gumagamit ang mga tao ng mga bato para sa paggawa ng mga kagamitan o kasangkapan. Karamihan sa mga dalubhasa sa paksang ito ang naghahati sa Panahon ng Bato sa tatlong peryodo: Matandang Panahong Bato (Paleolitiko), Panggitna o Gitnang Panahon ng Bato (Mesolitiko), at Bagong Panahon ng Bato (Neolitiko).[1][2] Nagmula ang lithic o litiko mula sa salitang Griyego na nangangahulugang "ng bato" at tumutukoy sa mga materyales na ginagamit sa paggawa ng mga kasangkapan at pagbubuo ng mga sandata. Kahit magpahanggang-ngayon mayroon pa ring mga mamamayang namumuhay sa loob ng kanilang kultura na may antas masasabing pagkakaroon pa rin ng "panahon ng bato". Ilan sa mga halimbawa ang mga aborihines (aborigene) ng Australya at ang mga Taong-Palumpong (Bushmen, mga "tao ng palumpong") ng Timog Aprika.[1]

Explanation:

Answer:

Panahong Paleolitiko

Explanation:

Ang ''Panahong Paleolitiko" ay tinatawag ding “Panahon ng Lumang Bato” o sa Ingles ay (Old Stone Age) . Kasi nagmula ang salitang Paleolitiko sa salitang paleos na ang ibig sabihin ay "matanda o old" at sa salitang lithos na ibig sabihin ay "bato o stone." Ito na rin ang pinakamahabang yugto sa kasaysayan ng sangkatauhan at ito ay ang pagsisimula ng paggamit ng kasangkapang bato ng mga hominid. Ang Hominid ay miyembro ng pamilya ng mammal na may kakayahang tumayo gamit ang dalawang paa, katulad ng mga tao, gorilya, orangutan at chimpanzee. Ang Panahon na ito ay ang unang gumamit ng apoy at pagngangaso.

Ito ay nahahati sa tatlong Paleolithic Period. Ang Lower, Middle at Upper Paleolithic Period.

Pinahahalagahan namin ang iyong oras. Mangyaring bumalik anumang oras para sa pinakabagong impormasyon at mga sagot sa iyong mga tanong. Pinahahalagahan namin ang iyong oras. Mangyaring bumalik muli para sa higit pang maaasahang mga sagot sa anumang mga tanong na mayroon ka. Maraming salamat sa pagbisita sa Imhr.ca. Balik-balikan kami para sa pinakabagong mga sagot at impormasyon.