Maligayang pagdating sa Imhr.ca, kung saan maaari kang makakuha ng mga sagot mula sa mga eksperto. Nagbibigay ang aming platform ng seamless na karanasan para sa paghahanap ng eksaktong sagot mula sa isang network ng mga bihasang propesyonal. Kumuha ng detalyado at eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa isang komunidad ng mga eksperto na dedikado sa pagbibigay ng tamang impormasyon.

kahulugan ng wikang panturo tagalog

Sagot :

Answer:

Ang wikang panturo ay ang mga wikang ginagamit ng mga paaralan bilang midyum sa pagtuturo. Kadalasan, ito ay itinatalaga ng pamahalaan o nang mismong paaralan. Sa Pilipinas, ang opisyal na wikang panturo ay Tagalog at Ingles.

Answer:

KAHULUGAN NG WIKANG PANTURO

Napakahalaga sa Kulturang Pilipino ang edukasyon. Isang sangkap upang mapagtagumpayan ang edusyon ay ang mga wikang pagtututo o wikang ginagamit sa pagtuturo.

Sa mga dalubwika, ang wikang panturo ay (mga) wikang ginagamit o itinatalaga ng pamahalaan para sa edukasyon. Ang Wikang Panturo ay ang mga ginagagamit ng mga guro, mga administrador at mag -aaral sa Paaralan.

MAHALAGANG SANGKAP NG WIKANG PANTURO

Ayon sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), ang wikang panturo ay opisyal na (mga) wikang ginagamit sa pagtuturo at pag-aaral sa loob ng pormal na sistemang pang-edukasyon.  

Ang mga sumusunod ay ang mga mahahalagang sangkap sa pagtuturo

1. Pamahalaan /Opisyal – Mahalaga na ang wikang gagamitin sa pagtuturo ay mandato mula sa pamahalaan.

2. Sistemang pang-edukasyon – ang wikang panturo ay nakasentro lamang sa sistemang pang-edukasyon. May pagkakataon na iba ang ang wikang panturo sa wikang pambansa (kaso ng India at Canada).  

3. Kaalaman at/o Pagkatuto–Dapat ito ay naglalayung pagpapalalim at pagpapalawak ng pagkakaroon ng kakayahan ng mga mag-aaral na matutuhan ang mahahalagang asignatura.  

ANG MGA SUMUSUNOD AY ANG MGA WIKANG GINAGAMIT SA PAGTUTURO SA PILIPINAS SA KASALUKUYAN

Ang Mother Tongue-Based Multilingual Education o MTBMLE ay naglalayong gamitin ang unang wika ng mag-aaral sa pag-aaral sa lahat ng asignatura mula Grade 1 hanggang Grade 3, maliban sa Filipino at English. Sa kasalukuyan, mayroong 19 na wika ang tinuturing na mother tongue:

1. Ilocano

2.  Pangasinense

3. Kapampangan

4. Tagalog

5. Bikol

6. Hiligaynon

7. Cebuano

8. Waray

9. Tsabakano

10. Tausog

11. Meranao

12. Maguindanaoan

13. Yvatan

14. Yvanag

15. Sambal

16. Akeanon

17.  Kiniray-a

18. Yakan

19. Surigaonon

Explanation: