Tinutulungan ka ng Imhr.ca na makahanap ng maaasahang mga sagot sa lahat ng iyong mga katanungan mula sa mga eksperto. Tuklasin ang mga sagot na kailangan mo mula sa isang komunidad ng mga eksperto na handang tumulong sa kanilang kaalaman at karanasan. Maranasan ang kadalian ng paghahanap ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na komunidad ng mga eksperto.

Anu-ano Ang mga uri ng anyung patula.Ibigay din sa bawat anyung patula Ang iba't iBang uri nito.​

Sagot :

Answer:

Tulang Damdamin o Tulang Liriko

Ang uri nito ay sumasalamin sa damdamin ng makata o ang taong sumusulat ng tula. Ang damdamin o emosyon ng makata laman ang naging konsiderasyon sa pagsulat ng uri nito. Kabilang na dito ang mga sumusunod na akda:

Awit – ito naman tumutukoy sa mga musikang may tono na talagang magandang pinakikinggan.

Soneto – isang mahabang tula na binubuo ng 14 na linya. Tumatalakay ito sa kaisipan, diwa ng makata.

Oda – isang tula na nakatuon sa pagbibigay ng papuri o dedikasyon sa isang tao, bagay, o anumang elemento.

Elehiya – isang tulang malungkot at pagdadalamhating babasahin.Ang karaniwang tema nito ay kamatayan o pagluluksa.

Dalit – ito naman ay tumutukoy sa tulang damdamin na nagpapakita ng luwalhati, kaligayahan, o pagpapasalamat.

Tulang Pasalaysay

ang tulang pasalaysay ay tumutukoy sa mga pinapaksang mga importante at mahahalagang mga tagpo o pangyayari sa buhay, kagitingan at kabayanihan ng isang tauhan. Kabilang dito ang sumusunod:

Epiko – ito ay isang akdang patula na isinalaysay ang kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na kadalasang hindi mapaniwalaan dahil sa mga tagpuang makababalaghan at di-kapani-paniwala. Ito ay kadalasang inaawit pero meron namang mga epikong binabasa.

Awit/Korido at Kantahin – ito naman ay tumutukoy sa mga musikang may tono na talagang magandang pinakikinggan.

Tulang Patnigan

isng uri ng tula na kung saan nakatuon ito sa pagbibigay ng damdamin habang mayroong kapalitan ng opinyon o kuro-kuro. Kabilang dito ang sumusunod:

Balagtasan – tumutukoy ito sa pagtatalo ng dalawa o tatlong manunula sa iisang paksa.

Karagatan – Isang uri naman ng paligsahan sa pagtutula. Kilala rin ito sa tawag na libangang tanghalan.

Duplo – Paligsahan namabn ito sa pangangatwiran sa anyong patula. Ito ay hango sa Bibliya na binubuo ng mga mahahalagang salita at kasabihan.

Fliptop o Battle Rap – modernong uri ng Balagtasan na kung saan nagsasagutan din ang dalawang panig tungkol sa isang paksa.

Tulang Pantanghalan o Padula

Tumutukoy sa mga piyesa o tulang itinatanghal sa mga dulaan o teatro.