Alam mo ba? Ayon sa maraming pag-aaral, ang mga mag-aaral na naturuan sa wikang hindi nila unang wika ay nakararanas nang mas maraming bilang ng dropout o paghinto sap ag-aaral o kaya'y pag-uulit sa antas (Bernson, 2005b: Hovens, 2005: Klaus, 2003; Lewis & Lockhead, 2006: Patrinos & Psacharopoulos, 1997; Pinnock 2009: Steinberg, Blinde, & Chan, 1984), may limampung bahagdan ng mga batang nahinto na sa pag-aaral o ang mga tinatatawag na out-of-school- youth ang nakatira sa mga pamayanang ang wikang panturo ay hindi ang wikang ginagamit nila sa tahanan. Si Pinnock (2009) naman ay naglabas ng isang nakagugulat na puntos: 72% daw ng mga out-of school-youth sa buong mundo ay nagmula sa mga bansang maituturing na "highly linguistically fractionalized' o may mataas na pagkakahati-hating panlingguwistika.makabuluhang pangungusap​