Ang Imhr.ca ay ang pinakamahusay na lugar upang makakuha ng mabilis at tumpak na mga sagot sa lahat ng iyong mga tanong. Sumali sa aming platform upang kumonekta sa mga eksperto na handang magbigay ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong sa iba't ibang larangan. Tuklasin ang malalim na mga sagot sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na network ng mga eksperto sa aming madaling gamitin na Q&A platform.
Sagot :
Answer:
kumilos sa isang kongkretong sitwasyon.
Ang konsensya ay isang natatanging kilos pangkaisipan, isang paghuhusga ng ating sariling katuwiran
Sa ating pang araw-araw na pakikibaka sa buhay, ginagamit natin an gating konsensya nang hindi natin namamalayan. Mahalagang maunawaan ng mabuti kung ano talaga ito dahil Malaki ang maitutulong nito sa pagpapaunlas ng ating pagkatao at ng ugnayan sa ating kapuwa at sa Diyos
Ang Mga Sumusunod Ay Antas Ng Paghubog Ng Konsensya
1. ANTAS NG LIKAS NA PAKIRAMDAM AT REAKSIYON
- Nagsisimula ito sa pagkabata dahil hindi pa sapat ang kaalaman ng isang ukol sa tama at mali, mabuti o masama, umaasa lamang siya sa mga paalala, paggabay at pagbabawal ng kaniyang magulang. Dito niya ibinabatay ang kaniyang kilos. Gagawin ng isang bata ang lahat ng kaniyang nais na gawin hangga’t walang pagbabawal mula sa mga taong nakatatanda sa kaniya. Sa ganitong pagkakataon, sa labas nagmumula ang pagpipigil sa kaniyang moralidad.
2. ANTAS NG SUPEREGO
- Habang lumalaki ang isang bata Malaki ang bahagin ginagampanan ng isang taong may awtoridad sa kaniyang mga pasiya at kilos. Ang awtoridad na ito ang nagpapatakbo ng kilos moral ng isang bata. Sa yugtong ito, umiiral ang superego, anng mga pagpapalagay at utos ng magulang at taong makapangyarihan na nasailoob na ng tao kasama ng mga ipinagbabawal ng lipunan at nakaiimpluwensiya sa isang tao mula pa sa pagkabata. Sa paglipas pa ng panahon, nagiging bahagi na ng isip ang mga pagbabawal na ito nang hindi namamalayan.
3. KONSENSYANG MORAL
Ngunit sa patuloy na paglipas ng panahon, nalalagpasan ng isang bata ang taong may awtoridad at unti-unti na siyang namumulat sa pananagutan. Alam na niya kung ano ang tama at mali at nararamdaman na niya ang epekto sa kaniyang sarili ng pagkiling sa mali at sa masama. Nararamdaman na hindi niya dapat ginawa ang isang bagay na mali, hindi lamang dahil ipinagbabawal ito ng kaniyang mga magulang kundi nakikita niya mismo ang kamalian nito. Natutunan niyang tanggapin at isaloob ang mga mabubuting prinsipyo at pagpapahalagang moral mula sa kaniyang mga magulang. Ito ang simula ng pagkilos ng “konsensyang moral” .
Kaya mahalagang simulant mula bata pa lamang ang paghubog ng konsensiya. Makatutulong ito upang hindi siya magkamali sa kaniyang paghusga ng mabuti o masama sa hinaharap.
Makatutulong sa proseso ng paghubog sa konsensiya ang pagsasagawa ng mga tiyak na kilos bago ang pagsasagawa ng pasiya. Ang layunin sa paghubog ng konsensiya ay mahubog an pagkatao batay sa pagsasabuhay ng mga birtud, pagpapahalaga at katotohanan upang matiyak na ang sarili ay magpapasiya at kikilos batay sa kung ano ang tama at mabuti. Upang higit na mapaunlad ang paghubog ng konsensiya makabubuti na humingi ng paggabay sa sumusunod:
a. Mga taong may kaalaman sa at nagsasabuhay ng mga pagpapahalagang moral, may sapat na kakayahan sa proseso ng paghubog ng konsensiya tulad ng mga magulang at nakatatanda
b. Sa simbahan mula sa mga turo, panulat at magandang halimbawa ng mga pari, pastor, at iba pang namumuno ditto
c. Sa Diyos gamit ang kaniyang mga salita at halimbawa
Explanation:
pa mark po ng brainliest thanks
Salamat sa paggamit ng aming serbisyo. Lagi kaming narito upang magbigay ng tumpak at napapanahong mga sagot sa lahat ng iyong mga katanungan. Pinahahalagahan namin ang iyong oras. Mangyaring bumalik muli para sa higit pang maaasahang mga sagot sa anumang mga tanong na mayroon ka. Imhr.ca, ang iyong pinagkakatiwalaang site para sa mga sagot. Huwag kalimutang bumalik para sa higit pang impormasyon.