I. Isulat ang TAMA O MALI sa patlang
1. Sa gawing silangan ng bansa matatagpuan ang Marianas Islands
2. Napalilibutan ang Pilipinas ng mga anyong tubig
3. Ang relatibong lokasyon ay naglalarawan ng lokasyon ng bansa batay
sa topograpiya nito.
4. Maraming magagandang anyong tubig ang matatagpuan sa Pilipinas
5. Mahalagang malaman ang relatibong lokasyon sa pagkilala ng isang bansa
6. Tinawag na kapuluan ang Pilipinas sapagkat ito ay binubuo ng mga pulo
7. Matatagpuan ang Pilipinas sa Timog-Hilagang Asya.
8. Ang Pilipinas bilang isang kapuluan o archipelago ay itinuturing na nasa
estratehikong lokasyon dahil ito ay nagsisilbing pinakamahalagang rutang
pangkalakalan sa Pasipiko.
9. Nagsilbing daungan ang bansa para sa mga gawaing pangkalakalan ng
mga bansang ang ruta ay dumaraan sa karagatang Pasipiko
10. Ang Pilipinas ay naging mainam ding lugar na pagtayuan ng mga
kampomilitar na panghimpapawid at pandagat ng malalaking mga bansa