Petsa: Guro sa Asignatura: Mga Hakbang sa Pagbuo ng Community-Based Disaster Risk Reduction (CBDRR) ang bawat bilang ang letranger kung TAMA ang pangungusap at M kung MALI. Panatilihing malinis at maayos ang iyong sagutang papel. Iwasang magbura at mag-iwan ng bakateng item. WEEK 5 1
1. Mayroong tatlong kategorya ang capacity assessment.
2. May dalawang uri ng mitigation, ang structural at non-structural mitigation.
3. Ang ibig sabihin ng CBDRR ay Community-Based Development Risk Reduction.
4. Ang disaster response ay tinataya kung gaano kalawak ang pinsalang dulot ng isang kalamidad.
5. Ang pisikal o material, panlipunan at pag-uugali ang tatlong kategorya ng capacity assessment.
6. Sinusuri ng capacity assessment ang kapasidad ng komunidad na harapin ang anumang hazard. 7. Nakapaloob ang hazard, vulnerability at risk assessments sa Disaster Prevention and Mitigation. 8. May tatlong yugto o hakbang sa pagbuo ng isan Community-Based Disaster Risk Reduction Plan. 9. Malaking tulong ang CBDRR Plan sap ag-iwas o pagbawas sa anumang kalamidad o sakuna sa isang komunidad.
10. May dalawang proseso sa pagsasagawa ng hazard assessment, ang hazard mapping at historical profiling o timeline of events.
11. Ang disaster preparedness ay tumutukoy sa mga hakbang o dapat gawin bago at sa panahon ng pagtama ng kalamidad, sakuna o hazard.
12. Ang hazard mapping ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagtukoy sa mapa ng mga lugar na maaring masalanta ng hazard at ang mga elemento tulad ng gusali. 13. Sa pamamagitan ng vulnerability at capacity assessment, masusukat ang kahinaan at kapasidad ng isang komunidad sa pagharap sa iba't ibang hazard na maaring maranasan sa isang lugar.
14. Ang Hazard Assessment ay tumutukoy sa pagsusuri sa lawak, sakop at pinsala na maaaring danasin ng isang lugar kung ito ay mahaharap sa isang sakuna o kalamidad sa isang particular na panahon.
15. Isinasagawa ang historical profiling o timeline of events upang makita kung anu-ano ang mga hazard na naranasan na sa isang komunidad, gaano kadalas at kung alin sa mga ito ang pinakamapinsala.
16. Ang risk assessment ay tumutukoy sa mga hakbang na dapat gawin bago ang pagtama ng sakuna, kalamidad at hazard na may layuning maiwasan o mapigilan ang malawakang pinsala sa tao at kalikasan.
17. Sinusuri ng pisikal o material kung ang mga mamamayan ay may kakayahan na muling isaayos ang mga istruktura tulad ng bahay, paaralan, gusaling pampamahalaan, kalsada at iba pa na nasira ng kalamidad.
18. Ang pagiging laging handa sa anumang suliranin at kalamidad ay dapat na naisasagawa ng bawat mamamayan upang mabawasan o maiwasan ang anumang epekto ng mga ito sa buhay ng mga mamamayan.
19. Sa disaster rehabilitation and recovery nakatuon anng pagsasaayos ng mga nasirang pasilidad, istruktura at mga naantalang pangunahing serbisyo upang manumbalik sa dating kaayusan at normal na daloy ng pamumuhay sa isang nasalantang komunidad.
20. Sa aspektong panlipunan, masasabing may kapasidad ang isang komunidad na harapin ang hazard kung ang mga mamamayan ay may nagtutulungan upang ibangon ang kanilang komunidad mula sa pinsala ng mga sakuna at kung ang pamahalaan ay may epektibong disaster management plan.