Gawain sa Pagkatuto Bilang 3:
Basahin ang maikling teksto. Sagutin
ang mga tanong sa pamamagitan ng pagdurugtong ng sagot sa pariralang
nakasulat. Gawin ito sa inyong sagutang papel.
Levi Celerio, Pambansang Alagad ng Sining
Si Levi Celerio ay kilalang mahusay na kompositor. Napasama
ang kanyang pangalan sa Guinness Book of World Record dahil siya ay
tumugtog gamit lamang ang dahon. Hindi na mabilang ang mga awiting
kanyang isinulat. Ilan sa mga uri ng awitin ay awiting Pilipino pambayan,
pamasko at pag-ibig na ginamit sa mga pelikula.
Ginawaran siya ng titulong Pambansang Alagad ng Sining sa
Musika at Panitikan noong 1997 ni Pangulong Fidel Ramos dahil sa
parangal na ito
higit siyang nakilala bilang isang Kompositor at
Prolifikong Lyricista bilang tunay na kaganapan sentimientong makapuso
ng sambayanang Pilipino.
St-
1. Sino ang tinaguriang Pambansang Alagad ng Sining?
Ang tinaguriang Pambansang Alagad ng Sining ay si
2. Ano ang ginamit niya sa pagtugtog ng musika?
Ang ginamit niya sa pagtugtog ng musika ay
3. Sinong panguloa ang nagparangal bilang Pambansang Alagad ng
ning?
Ang pangulong nagparangal sa kanya ay si Pangulong
4. May kilala ka bang mga Pilipinong kompositor? Sino-sino sila?
Ang mga kilala kong kompositor ay sina
5. Sa anong larangan ng sining nais mong mapabilang? Bakit?
Pumili ng isa sa mga sumusunod at ipaliwanag
Pagpipinta, pag-awit, pagsasayaw, paglililok
Kung ako ay pipili kung anong larangan ng sining ang nais kong
mapabilang, pipiliin ko ay
dahil