Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa kwaderno. 1. Ito ay tumutukoy sa disiplinadong pag-iisip ng malinaw, makatuwiran, bukas ang isip, may kaukulang ebidensya at may pagtimbang ng impormasyon bago makuha ang isang sagot o desisyon. A. malikhaing pag-iisip C. pagkabukas ng isipan B. mapanuring pag-iisip D. pagsusuring personal 2. Ang mga sumusunod ay palatandaan ng taong nagsusuri ng mga bagay na may kinalaman sa kanyang sarili, maliban sa: A. Bukas ang isipan sa makatwirang opinyon ng iba B. May kaalaman sa kanyang kalakasan at kahinaan C. Tinitimbang ang mga posibleng opsyon o solusyon D. Madaling makabuo ng desisyon sa bawat sitwasyon 3. Ito ay isang proseso na nagbibigay-daan upang higit mong maunawaan kung sino ka, ano ang iyong mga pagpapahalaga, kung bakit ganyan kang mag-isip at kumilos at nagbibigay-daan upang maiayon mo ang iyong buhay sa kung ano ang nais mong mangyari. A. pagsusuring personal C. mapanuring pagsusuri B. malikhaing pag-iisip D. pagkabukas ng isipan 4. Bakit mahalaga ang kakayahang magsuri ng mga pangyayari sa pagbuo ng desisyon? A. Nakakatulog ka ng mahimbing B. Nakikilala mo ang iyong mga pagpapahalaga c. Nabibigyang-linaw ang mga pangyayari batay sa tamang katwiran. D. Hindi kailanman nakakaranas ng anumang uri ng pagkabalisa at pag-aalala.