Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
Ano ang masasabi mo sa paglalarawan kay Ineng? Bakit sinasabing siya’y tulad ng isang bagong bumubukad na kampupot na sa halik ng hamog at ngiti ng araw ay lalong humahalimuyak ang iniwang bango.
Sa paanong paraan siya nakatutulong sa kanyang mga magulang?
Paano niya nakilala ang lalaking unang nagpatibok ng kanyang puso?
Ano-ano ang mga damdamin ni Ineng sa pagtuklas niyang tila siya ay umiibig?
Paano niya iyon ipinagtapat sa kanyang ina? Paano naman ito tinanggap ng kanyang ina?
Bakit masasabing ang landas ng ina ang siya ring landas na tinalunton ni Ineng sa ngalan ng pag-ibig?
Hindi nga ba mapipigilan ang isang tunay na pag-ibig? Patunayan.
Kung makakausap mo si Ineng, anong payo mo sa kanya tungkol sa damdaming pinagdaraanan niya? Sa lalaking bumihag ng kanyang puso?
Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Ineng, ano ang gagawin mo kapag naramdaman mong ikaw ay labis na umiibig?
Paano natapos ang kuwento? Sang-ayon ka ba sa naging katapusan nito? Bakit oo? Bakit hindi?