agsasalaysay sa buod ayon sa wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. 1. Si Maria ay madalas nagtungo sa palengke upang mamili ng pagkain kaya nakilala niya isang magsasakang mortal 2. Naging magkaibigan sila ng lalaking mortal at kalaunan ay nagkakapalagayang loob sila at naging magkasintahan. 3. Laging dinadalaw ng lalaking mortal si Maria at ipinapasyal sa kabundukan.Pinamitas ng mga mortal ang mga prutas ni Maria ngunit hindi na niya ito pinansin dahil abala siya sa kaniyang minamahal. 4. May isang opisyal ng sundalo na nagsabi na lahat ng mga lalaking walang asawa ay ipapadala sa dugmaan kaya nagpasiya ang kasintahan ni Maria na magpakasal sa isang babaeng mortal. 5. Natuloy ang kasal ng lalaking mortal. Kinagabihan ay umulan nang malakas at sinundan ng isang lindol. Nayanig ang lupa at nawala ang mahiwagang puno ni Maria. Mula noon ay nawala na ang biyayang hatid sa kanila ni Maria at hindi na rin maakyat ang puno.