Sa buwan ng nutrisyon ay sadya nga namang napapanahon ang pagsusulat ng salaysay na may nakatakdang tema o paksa. Sa taong ito ang paksa ay "timbang iwasto sa tamang nutrisyon at ehersisyo" at narito ang halimbawa ng isang sanaysay tungkol dito.
Naitanong mo na ba kung sapat na ang nutrisyong nakukuha sa pang-araw-araw upang maalagaan ang kalusugan? Ang iyong ehersisyo ba ay nakakatulong sa pagkamit sa wastong timbang base sa iyang tangkad at laki? Nararapat na ito ay iyong malaman upang magkaroon ng ideya kung ano ba ang kulang para mapanatili ang kalusugan.
Ang pagkakaroon ng wastong timbang ay isang positibong senyales na ikaw ay nakakatanggap ng tamang nutrisyon at regular na ehersisyo. Hindi sapat na kumain lang ng tama dahil dapat ay sabayan din ito ng ehersisyo upang katawan ay lumakas. Dahil ang tamang timbang ay bunga ng tamang nutrisyon at regular na pag-eehersisyo lamang.