O, handa na ba kayong magitla, matuwa at maiyak? Kung handa na kayo... heto
basahin n'yo na!
1. Ang talino'y katulad ng isang "underwear". Kailangan mo ito parati at 'di mo kailangang ipakita ito, ipinamamalas mo lang ito kung kinakailangan
at kung wala ka nito, "it shows".
2. Pinagkalooban tayo ng isang bibig at dalawang taenga na pinagigitnaan n
gating utak upang making ng dalawang beses, limiing mabuti, at magsalita
ng minsan
3. Ang pinag-aralan ng isang tao ay tulay na nagdudugtong sa
kamangmangan at kapintasan at hindi isang pakpak para pumailanlang.
4. Huwag mong sabihin ang kasamaan ng iba kung hindi mo ito nalalaman
ng lubusan at kung nalalaman mo ito ng lubusan,- tanungin mo ang iyong
sarili"Bakit ko ito sasabihin?
5. Ang pag-ibig ay umuusbong sa panahong Mas pinahahalagahan nati ang
iba kaysa sa ating sarili.
6. Mahirap alalahanin ang mga bagay na pilit nating kinakalimutan.
7. Ang pagmamamahalan ay parang isang "magnet na kung saan "unlike
poles, attract."
8. Ang pagtaway karaniwang sinasabayan ng iyak na sinasaliwan ng
pagtawa'y tila iba na!
9. Ang buhay ay tulad ng isang gulong- minsan nasa ibabaw at kung minsan
ay nasa ilalim huwag lang mapa-flat.
10. Ang paglakad ng matulin, kung matinik ay malalim... lalo na't kung walang
step-in.
11. Galit ang magnanakaw sa kapwa magnanakaw-well, the feeling is mutual.
12.Sa paglalakbay sa landas ng buhay, hindi kailangan na ikaw ay
masyadong mahusay bagkus, bukas na isip at kamalayan ang mas
kinakatigan.
13. Ang tao'y nilalang ng Diyos na may iba't ibang katangian kaya't sana'y
pagkukumparay ating iwasan.
14. Ang pag-iyak ay hindi tanda ng karuwagan kundi tanda na ikaw ay tao
lamang na may damdamin at marunong masaktan.
15. Magbahagi ng mga bagay na ipinagkaloob sa iyo, hindi ito mababawasan
bagkus madadagdagan.
16.Tumulad sa isang tangkay na palay na kung saan habang lumalaki at
nagkakalaman ang mga butyl ay lalong yumuyukod at nagpapakababa.
17.Ang lumalabas nawa sa ating mga nguso ay siya ring nilalaman n gating
mga puso.
18.Ang mapapait na nakaraan ay siyang magpapatamis sa mga panahong
daraan.
19. Ang respeto'y di nabibili sa tindahan, ni hindi rin nakukuha ng biglaan...
ito'y pinaghihirapan.