Alamat ng Ceres
Si Ceres ang kinikilalang ina ng lahat ng bagay na nasa ibabaw ng daigdig. Siya ang diyosa ng lahat ng bagay na tumutubo. Siya ang nakakaalam ng lihim ng maliliit na buto, ng bulaklak na bumubuka at nahihinog na mga bungangkahoy.
Sa magandang lambak na tinitirhan ni Ceres at ng anak niyang si Proserpina , laging berde ang mga damo . Hindi tumitigil ang mga halaman sa pamumulaklak at patuloy ang pagdaloy ng malinaw na tubig sa mga sapa.
Ngunit, isang araw , habang namimitas ng mga bulaklak si Proserpina, bigla siyang sinunggaban ni Pluto, ang hari sa kailaliman ng lupa. Matindi ang naging kalungkutan ni Ceres . Nawalan siya ng sigla sa mga bagay na tumutubo sa kanyang paligid. Anupa’t naglaho ang ganda ng kapaligiran. Napalitan ito ng mga tuyong damo at patay na mga puno.
Tanong:
16. Sino si Ceres? Proserpina? Pluto?
17. Bakit nawalan ng sigla sa mga bagay na tumutubo si Ceres?
18. Ano ang naging bunga kay Ceres ng pagkawala ng anak?
19. Sa iyong palagay, tama bang mawalan na lang ng pag-asa si Ceres?
20. Ano kaya ang maaaring gawin ni Ceres sa pagkawala ni Proserpina?