Answered

Tuklasin ang mga sagot sa iyong mga katanungan nang madali sa Imhr.ca, ang mapagkakatiwalaang Q&A platform. Tuklasin ang komprehensibong mga solusyon sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na hanay ng mga propesyonal sa aming madaling gamitin na platform. Nagbibigay ang aming platform ng seamless na karanasan para sa paghahanap ng mapagkakatiwalaang sagot mula sa isang malawak na network ng mga propesyonal.

kahulugan ng pag irog

Sagot :

Ang pag-irog ay nangangahulugan ng pagmamahal, pagsinta, pag-ibig, pagsuyo, at marami pang iba. Ang halimbawang pangungusap na makikita sa ibaba ay ginamitan ng salitang Pag-irog.

1. Ang pag-irog ko sayo ay hindi maglalaho kailanman.

2. Ang pag-irog na aking nararamdaman ay kailanman hindi mananakaw ninuman.

3. Iaalay ko sa iyo ang aking pag-irog na kailanma’y hindi mawawala sa aking puso.

https://brainly.ph/question/901390

https://brainly.ph/question/833740

https://brainly.ph/question/106051

Ang terminong pag-irog ay nangangahulugan ng malalim o makalumang salita para sa pag-ibig o pagmamahal. Ang pag-irog ay isang masidhi, personal na pagkagiliw. Ito ay aktibo sa pagmamalasakit sa isa. Irog ang tawag sa isa na iyong iniibig.

Halimbawang pangungusap:

1. Ang pag-irog ko sa iyo ang inspirasyon ko upang magsikap sa buhay.

2. Kinakain ako ng aking pag-irog sa iyo dahil ikaw ay malayo sa akin.

Paliwanag: Makikita sa dalawang pangungusap na ang pag-irog ay maaaring magdulot ng positibo at negatibong epekto.